CHAPTER 8

256 10 11
                                    

JAZZ

"Jazz! I'm glad you came," agad na bati ni Dad ng makita niya ako na pumasok.

Bago ako pumunta dito ay dumaan muna ako sa restaurant na pinapasukan ko para kausapin ang amo ko na mamayang 9pm nalang ako papasok.

7pm kasi ang pasok ko sa kanila tuwing weekdays at 8am-5pm naman kapag weekends.

Kung hindi kasi ako pupunta ngayon dito ay baka sila pa ang pumunta sa akin, na ayaw ko namang mangyari.

"Dad," sabi ko dito tsaka bumitaw sa pagyakap niya sa akin.

"How are you?" tanong niya na ikinangiti ko.

"I'm okay, Dad, you don't have to worry about me, it's not your duty anymore," kita ko naman ang pagdaanan lungkot sa mga mata nito kaya kusa nalang akong pumasok sa loob at umupo sa sofa.

Ayokong hayaan ang emosyon ko na pangunahan ang sarili ko ngayon lalo na't nandito ako sa bahay nila. Totoo rin naman ang sinabi ko, mula ng umalis ako dito at napiling layuan sila ay hindi na nila ako responsibilidad, mas mabuti na 'yun kaysa magkasakitan lang kami dito.

Bukas ang tv ngayon dahil nadatnan ko si Daddy na nanonood ng football ng madatnan ko siya kanina. Ito kasi ang paborito niyang sports noon pero dahil na-busy siya sa company at dahil na rin may edad na siya ay hindi na siya naglalaro ngayon.

Inilapag ni Manang Cora ang juice sa center table kaya napatingin ako sa kanya. "Mabuti naman at napadalaw ka, Ja," nakangiti nitong bati sa akin.

Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o malulungkot dahil gamit niya pa rin ang paboritong tawag sa akin ni Klea. Silang dalawa lang kasi ang laging tumatawag sa akin niyan kaya hindi ko na naman maiwasan na malungkot.

Pinilit ko nalang na itago ang pagdaan ng sakit sa mata ko saka ngumiti sa kanya.

Si Manang Cora ay matagal na naming kasama sa bahay, mula pa ata ng ikasal sina Mommy at Daddy ay narito na siya kaya parang pamilya na namin siya dito. Siya rin ang lagi kong kasa-kasama mula noong bata pa ako kaya malaki rin ang utang na loob namin sa kanya.

"Kamusta na po kayo, Manang? Lalo po kayong gumaganda," tumawa naman ito sa sinabi ko kaya medyo gumaan ang loob ko.

"Hanggang ngayon bolera ka parin," pailing-iling nitong sabi.

"Ay hindi na po, nagsasabi na po ako ng totoo," itinaas ko ang aking kamay na parang nanunumpa sa harap niya na mas lalo niyang ikinatawa.

Pansin ko naman na parang nawala si Daddy na kanina lang ay nasa likuran ko pa.

"Si Daddy po?" tanong ko.

"Umakyat sa taas, iha, baka may kinuha lang, ibinilin niya kasi na tanungin muna kita kung anong gusto mong kainin ngayon habang naghihintay dahil inihahanda palang ang hapunan niyo," paliwanag nito na tinanguan ko naman.

"Wala naman po akong kailangan, salamat po,"

"O siya sige, maiwan na muna kita dito para matulungan ko sila na mag handa sa kusina, hintayin mo nalang sila na bumaba," nginitian ko ito bago siya tuluyang umalis sa harap ko.

Inilibot ko ang paningin ko sa buong bahay na hanggang ngayon ay gan'on pa rin ang ayos. Walang nag iba mula n'ong dito pa ako nakatira hanggang ngayon ay wala man lang nagalaw sa mga gamit.

Nagulat naman ako ng may biglang tumahol na aso palapit sa akin at tumalon ito sa kandungan ko saka ako inamoy amoy na ikinangiti ko.

Kailan pa nagka-aso dito? Sa pagkakaalam ko ayaw ni Mommy ng aso dahil takot siya dito pero meron ngayon dito? Baka aso ni Manang?

My Only Exception [GXG] [PROFXSTUDENT]Where stories live. Discover now