Louise Resurreccion
Kasama ko ngayon si Taffy, Chin at Della inaayos ang isang cottage. Punong puno ng balloon ang entrance. Si Cheska naman ay pinasama namin kay Lola Bea para bumili ng mga kailangan namin dito.
Sabi ni Lola ay limang araw daw kami dito. Ang mga kasama ko naman ay ang sasaya lalo na si Taffy na party girl.
Inaayos ko ngayon ang mga lubo habang si Chin ay yung pagkain, si Della nama ay inaayos ang ceiling dahil medyo madumi. Si Taffy? Nasa labas ng resort hinihintay yung mga kaibigan niyang lalaki. According sa kanya ay pupunta dito ang kanyang pinsan which is yung tao g pinaka hate ni Chin.
Habang tuon na tuon ang atensyon ko sa mga balloon ay may narinig akong boses ng mga lalaki papalapit sa pwesto namin.
Halos pumutok ang lubo ng makilala ko ang isa sa kanila.
Percy?
What the!
"Hi girls! Ito na ang mga macho buddy ko. Erereto ko kayo sa kanila," tumatawang sigaw ni Taffy, fudge, nakakahiya na 'tong si Taffy.
May tatlong lalaki siyang kasama, which is di ko kilala ang isa. Bago siya sa paningin ko.
Si Nilo at Percy lang ang kilala ko sa dalawa.
Napatingin ako kay Chin na inismiran ang mga lalaki.
Sabi nga e, may something talaga sa pinsn ni Taffy at si Chin, something fishy.
Bumalik ang atensyon ko sa mga lalaki at napaiwas agad ng makitang nakatingin sa 'kin ang lalaking ka text ko lang ka gabi.
My god!
Nakita ko sa peripheral vision ko na naglakad siya papalapit sa direksyon ko dahilan para bilisan ko ang ginagawa ko dito para maka-iwas ako dito.
Amg lakas talaga ng kabog ng dibdib ko ampucha.
"Hi ma'am, nice to see you here."
Napapikit na lang ako ng marinig ko ang kayang boses sa likod ko.
"Gusto mo ng tulong? Tulongan kita d'yan ma'am,"
Mabilis akong lumingon sa kanya at umiling, "Hindi na kaya ko naman 'to e, pero salamat,"
"Ang lalandi, sa harapan ko pa naglandian," nanlaki ang mata ko nang marinig ang boses ni Della.
Pinanlakihan ko siya ng mata pero inirapan niya lang kami. Narinig ko pang tumawa sa likod ko si Percy, kahit wala namang nakakatawa.
Iiwasan ko sana si Percy pero siya itong sunod na sunod sa 'kin, nagmumukha siyang buntot sa pagsunod sa 'kin. Nakita ko pang nakangiwing nakatingin si Della samin.
"Hey, iniiwasan mo ba ako? Maam?"
"Ikaw iiwasan ko? Bakit naman?"
"Umiiwas ka sa 'kin e," sabi niya.
"Hindi kita iniiwasan, oum like hindi naman tayo ganon ka close e,"
"Aray ah," mas lumapit siya sa 'kin. "Eh kung ganito? Di ba tayo close nito?" mahina niyng tanong sa 'kin.
Mabilis akong umatras ng makabawi ako, nakakagulat namang lalaking ito. Bigla bigla na lang lumalapit.
"Hey, huwag kang ganyan. I mean ang awkward lang talaga. Di ako komportabli e,"
