Louise Resurreccion
Ikatlong araw na namin ngayon dito pero hindi pa rin bumabalik ang dalawang lalaki. Handa na rin umuwi sina Nilo at Karl pero si Chin tinawad na mamaya na sila umuwi. Kaya pumayag naman ang kaharotan niya.
Si Taffy naman ay inis na inis sa presensya ni Karl. Nadadagan pa yung inis niya ng malamang mamaya sila uuwi.
Kasama ko ngayon si Cheska at Taffy na naliligo. Kasalukuyan silang kumukuha ng magandang kuha ng picture. Ito naman si Taffy panay reklamo dahil hindi nakukunan ni Cheska ng maganda si Taffy.
"Asan yung bago mong kaibigan mahal pakilala naman kami?" May nagsalita sa likod ko habang nakababad ang katawan ko sa tubig. Boses pa lang ay kilala ko na. Boses demonyo.
"Malay ko do'n." Walang gana kong sagot at nagmuni-muni.
"Feel na feel mo yung pagkaboring mo ngayon ah."
Nagulat ako ng pinatalsik niya sa 'kin ang tubig. Kaya ginantihan ko siya hangga't magsawa siya sa tubig.
"Stop it."
"Eh sa tumahimik ka na lang d'yan," sabat ko at inirapan siya.
Hindi ko alam pero naiirita na ako sa nga pagmumukha nila. Sino ba naman ang hindi maiirita, e lagi na nila akong pinagtutulakan kay Percy.
"Mamayang hapon mo malalaman kung makakagraduate ka." Paalam ko sa kanya dahilan para mapaisip siya.
Totoo 'ton, mamayang hapon na e-popost lahat ng graduating and I'm so happy for Della dahil maabut niya na ang kanyang pangarap. Kunting kimbot ay maabot na niya ito. I salute her for being hard working student. My soon to be Doc. Della Victoria.
Nag-usap lang kami tungkol sa mga plano namin sa buhay. Ayon sa kanya ay gusto niyang dito lang sa lugar namin siya mag tatrabaho at mamimili siya ng magandang hospital na pwede sa kanya.
Sinang-ayonan ko naman siya dahil desisyon niya 'yon, mas magandang isaksak ko na lang ang opinion ko sa ngala-ngala ko kasi hindi rin naman siya makikinig sa sasabihin ko o kung ano man ang ipapahayag ko sa kanya.
"Gosh Cheska! Capture it again! Hindi na makita yung mukha ko dahil sa ilaw. Ang pangit mo kumuha, ayosin mo nga!" Inis na inis si Taffy kay Cheska. Siguro nakakapagod rin naman mag posing lalo na kung di marunong kumuha ng magadang view yung taga kuha mo ng litrato sayo.
"Eh kung ikaw na lang ang kumuha ng litrato sa sarili mo, kanina ka pa di makontento ah," sigaw ni Cheska.
Hapon na at wala pa ring Percy na dumating, ewan ko ba. Bakit ko pa ba yon hinahanap? Ampucha. Maganda ngang wala siya dito, walang manggugulo sa amin, sa 'kin.
"Louise!" Napatingin ako kay Chin ng tawagin niya ako siya ang taga-ihaw namin. Aba aba si Chin kasi ang taga luto ng lahat minsan naman ang tinutulungan ko siya, "patulong naman dito oh."
Lumapit ako dito at tinulongan siya sa pag-ihaw ng isda.
"Kung di man palarin maka-akyat sa stage, sa langit na lang lord." Rinig kong ika ni Della.
Halatang kinakabahan, baliw. Dapat kasi may tiwala sa sarili e, huwag na lang mag-expect ng mataas pero dapat may tiwala sa sarili. Kapag kasi malaki ang expectation mo tapos hindi naman nangyari ay malaki ang possible na malaki ang hinanakit mo sa buhay. Ewan.
"Kunan mo ako ng litrato dito Della."
"Tumigil ka Taffy, hindi ka nakakatulong sa prayer ko!"
"Wow ah, ang bait mo naman. Sana nga matupad. Tsk"
Napa-iling iling ako sa tinuran ng dalawa. Minsan si Della at Cheska ang nagbabardagulan tas minsan naman sina Della at Taffy. Talagang si Della ang laging may ka sagotan samin e.
Maldita kasi. Kaya napapa-away sa paaralan dahil daw sa kanyang ugali.
Pero for me, mabait naman siya s 'kin kahit na minsan kontrabida siya sa plano ko. Siya nga ang taga harang sa plano ko kapag di niya nagustuhan. Appreciate ko naman kasi natutulongan niya ako at kapag alam niyang pwedeng makaharm sa 'kin ang desisyon ko sa buhay sasabihin niya rin agad.
Unfair lang kasi kapag siya nagbibigay ng opinion ay don na agad ako sa point niya tapos kapag ako ang magbigay ng opinion, matik na lalagpas iyon sa utak niya.
"Bakit di mo na lang kasi patawarin si Karl ha? Eh mukha namang mahal mo siyang marupok ka! Pa har-to-get ka pa."
"Ayoko, siguradong manloloko 'yon e."
"Baka naman nagbago na hoy, matagal na 'yon uso na mangalimot at patawarin mo siya duh."
Ayan nanaman silang dalawa.
"Humanap ka na lang ng jojowain mo Della bakit mo ako pinangungunahan ha! Pinapalamun mo ba ako?"
"Hinding hindi kita papalamunin kahit na humiga ka pa sa high way."
I heard Chin sigh. "People change so that you can learn to let go, things go wrong so that you appreciate them when they’re right."
"Correct ka d'yan, but sometimes we need to believe to those lies para hindi mabulag sa kakahanap ng katotohanan." Sabi ko naman. Thinking that my family choose to believe those fake document instead of listening to my explanation.
Lies is stronger than honest. Kung mas tatanga-tanga ka kahit na ikaw ang may hawak sa katotohanan ay walang maniniwala sayo kapag masahol ang kaharap mo. Hayop pa sa hayop.
"We believe lies so we eventually learn to trust no one but ourselves, I agree." Aniya at tumalikod para kumuha pa ng iihawin.
Napabuga naman ako ng hangin, no chin they believe to lies because they are blind.
Nabalik ako sa ulirat ng sumigaw si Cheska na tumatakbo sa pwesto ni Della at Taffy.
"DELLA KAPAG KASAMA KA SA LIST AY MAG-TUTWERK KA SA HARAPAN KO!"
"WHAT?"
"WATAWAT KA D'YAN, MAGTWERK KA SA HARAPAN KO. MAGLINIS KA MINSAN NG TENGA."
"Deal," tanggap ni Della. "Ako pa hahamunin mo sa pag-tutwerk. Tsk tsk expert ako d'yan."
She's insane.
Tahimik akong lumapit sa kanila at umupo sa tabi ni Taffy. Ang lalakas ng boses ng dalawa buti na lang at tahimik na si Taffy baka masira na yung eardrums ko kapag makisali siya sa dalawa.
"POSTED NA!"
— imnot3nough | luvy wp
