19

12 0 0
                                    

R18

Louise Resurreccion

Tahimik akong umuwi sa unit ko, paulit-ulit akong napapabuga ng hangin. Ayaw ko pa sana umuwi para alagaan si hospital pero pinilit ako ni mama na umuwi para makapagpahinga.

Nasa pintuan na ako ng condo unit ko ng may tumawag sa akin. Nang lingunin ay parang bumalik na naman lahat ng tampo ko sa kanya.

Inirapan ko siya at mabilis na pumasok sa loob, pagsasarahan ko sana siya ng pinto pero mabilis niyang naiharang ang kanyang braso sa pinto.

"Uy anong problema?" Kunwaring tanong niya pa akala naman niya di niya alam ang kasalanan niya. Bahala ka d'yan, do'n ka sa mahal mong babae!

Di makapaniwala niya akong yinignan nang magdabog akong naglakad papunta sa single sofa at padabog na umupo.

Naramdaman ko ang kaylnyang presensya niya sa likod ng ulinuupuan ko at nagawa pa niyang hawakan ang tutuk ng aking ulo, aso ba ako?

Mabilis kong tinanggal ang kanyang kamay sa aking ulo.

Matapos niya ako hindi replyan ay sisipot siya, ano nakipaglandian naba siya sa kanyang minamahal na babae? Kaya siya nakangiti sa akin ngayon? So ano ang ginagawa niya dito sa condi ko? Maiiyak na ako nito.

Mas lalong kumunot ang noo ko ng maiisip ko lahat ng 'yun. Ano kaya ang ginagawa nila kanina?

Mabilis kong iniwas sa kanya ang paa ko ng lumuhod siya sa harapan ko para tanggalin ang heels ko at ako na mismo ang nagtanggal. Chee pafall!

Nanlaki ang kanyang mata ng ibato ko iyon sa pinaglalagyan ko ng mga sapatos.

"Ano bang nangyayari sayo? Louise? Galit ka ba sa akin?" Nagtataka niyang tumingin sa akin. "Please sabihin mo sa akin."

Tumayo ako at di na lang siya pinansin. Naramdaman kong sinundan niya ako hanggang sa kwarto bago niya ako hinigit papalapit sa kanya muntikan pa ako mauntog sa dibdib niya.

"Ano ba?!" Nagpumiglas ako pero nahawakan niya pareho ang dalawa kong braso. "B-Bitawan m-mo ako." Tumulo ang luha ko at napaawang naman ang kanyang bibig.

Umiwas ako ng tingin at pinakalma ang sarili ko.

I did not want this to happen, I did not plan on confessing my feeling for him. It was not my intention but I need to make a decision, to confess,  I could not control what my heart feels, and i don't want to love Percy, If Percy have someone's love. Gusto ko mahalin niya rin ako.

"Hindi kita pina iyak ah, bakit ka umiiyak ha, tell me!"

"Ikaw!" Nabitawan niya ako at nagtataka pang itinuro ang sarili niya.

"Ako? Eh wala naman akong ginagawa-" hindi ko na siya pinatapos.

"Oo wala kang ginawa. Pero..." Napaluha ako at tumalikod sa kanya mabilis akong umupo sa kama at tinakpan ang aking mukha gamit ang dalawa kong palad.

"Louise." Mahina niyang tawag sa akin.

Naramdaman kong nasa harapan ko na naman siya at pinilit tanggalin ang kamay ko. Nag-alala niyang pinunasan ang luha ko.

"Anong nagawa ko? Kung na late man ako sa pagpunta dito. Ede sorry, sorry na,"

Napahikbi na lang at umiwas ng tingin sa kanya pero hinuli niya yung dalawabkong pisngi at hinarap sa kanya.

Donating Love (Touch me series #1)Where stories live. Discover now