Louise Resurreccion
Mabilis ang paghinga ko nang pumasok kami sa hospital. Nakasunod lang ako sa kanyang likod nang tumigil ito sa isang pintuan. Nag-angat ako ng tingin sa kanya. Nakasalubong ko ang kanyang malungkot na mata and mouthed 'nandito na tayo'
Tinanguan ko siya at mabilis naman niyang hinawakan ang doorknob, tuluyang binuksan ang pinto.
Nanikip ang dibdib kong makita ang isang lalaking nakahiga sa hospital. Nakatubo ito at mahimbing na natutulog sa kanyang kama.
Nang tuluyan na akong makalapit sa tabi niya ay mas naaninang ko ang lalaking maamong nakapikit at tuluyang nagsilandasan ang luha ko sa aking pisngi.
Pumunta ako sa kanyang gilid at hinawakan ang kanyang kamay.
"H-Hindi n-na siya m-makapagsalita ng m-mayos Louise." It's broke my heart, I felt nothing but a knife stabbing my heart.
This revelation is too much, hinalikan ko ang kamay ni papa at do'n umiiyak ng umiyak, I felt numb now, hindi na muna ako uuwi sa bahay. I want to spend my time here.
"He's safe now, but unfortunately hindi pa siya pwedeng magsalita ng magsalita. Oxygen was the only one can help our father to breath in and out. Malaki ang nawala at nagbago sa kanya at tuluyan na ring nanghina ang kanyang mga buto... katawan."
Sa mga katagang iyon ay parang nabiyak ang isang bagay sa dibdib ko. Gusto kong yakapin si Papa pero nakaharang sa kanyang katawan ang mga tubo na baka matanggal ko pa iyon.
Biglang bumukas ang pinto at iniluwal no'n si mama na mukhang pagod at walang tulog rin. Napatingin siya sa akin at mukhang natulog pa siya ng makita ako.
"Mama..." Mabilis akong tumayo at lumapit sa kanya pero nanlaki ang mata ko nang sampalin niya ako dahilan ng pagkatagilid ng ulo ko.
I was like a sh*t right now. I just want to hug her? Why do they even need to hurt me like this?
Narinig ko ang pagsinghap ni Ate.
"Luke is not safe anymore, louise. Bakit nanditi ka pa?" She looks mad and I don't know what to say right now. Naging pipi na ata ako dahil sa pagsampal niya sa akin.
Lumapit sa amin si Ate Luna at hinarangan ako kat mana. "Ma, what was that? Why did you slap Louise? Akala ko ba gusto mo rin siya makita?"
"Yes! I want to see her. Para makita na niya rin ang kanyang papa na naghihirap rin at hindi lang siya ang naghihirap." Umiiyak niyang sabi.
"Ma? Walang kasalanan si Louise dito. Ma naman e, pasalamat nga tayo kasi nandito na siya. Bakit galit na galit ka ngayon?"
"Kasi makasarili na siya! Naisip niya lang pumunta dito dahil nahihirapan na ang kanyang ama sa sakit."
Gustong-gusto kong yakapin si mama ngayon pero ayaw niya sa akin.
"Ma hindi totoo yan." Umiiyak kong sabi.
Pinangungunahan na ako ngayon ng takot na noon may galit ang nangunguna sa akin. Takot at pangamba ang nararamdaman ko ngayon. Takot na baka ano pa ang mangyayari kay papa. Takot na baka hindi na ako kausapin ni mama.
Masisi ba nila ako kong naging makasarili ako? Nasaktan rin nila naman ako at inabandon ah.
Ilang oras kaming tahimik sa k'warto at walang ni isang nangahas na magsalita sa aming tatlo.
