Chapter 12

4.7K 55 16
                                    

Chapter 12

Whisper

"One, two, three" I counted.

I was again here on the stainless round bathtub, counting my friend, Gamby's legs.

"Four, five, six, se--" My forehead creased when I couldn't see his seventh leg!

"What-- oh, no! Gamby! You lost your other leg again!" I panicked and sat down. I looked around, trying to find his leg!

Double injured!

"Where is it, Gamby? How are you going to live?! How can you still possibly crawl?" Wearing my panties only, I stood up and tried checking such places.

"Gamby!" I shouted when he crawled away from me!

Mabagal na siya dahil kulang na ng dalawa ang binti niya pero hindi ko siya nagawang pigilan dahil lumusot siya sa may bato! Nagbuntong hininga ako at bumalik na lang sa pagbababad. Walang bubbles! Huh! I thought I wouldn't be able to stay here, but look at now. I'm already staying at this remote area for exactly one month now.

I have so many things to worry about. I need to make a call. Someone is waiting for my call. Palagi ko siyang naiisip at hindi ko maiwasang ma disappoint sa sarili dahil malayo ako sa kanya.

"Ate, kakain na daw po" tawag sa akin ng mahiyaing bata. Hindi siya laging kalaro nina Kulot kaya hindi ko masyadong nakakausap. Ang sabi ng nanay niya ay mahiyaing daw talaga ito at bihira lang lumabas ng bahay. Kaya naman ibang-iba ang kulay niya sa mga tao dito. Hindi siya maputi pero mapusyaw kumpara sa normal na kulay ng mga nandito sa nayon na ito.

"Anong pangalan mo?" I asked softly when I went near her. Nasa loob ako ng bahay dahil kakabihis ko lang nang tumawag siya.

"A-ako po?" She stuttered.

I giggled and nodded my head. Tumayo siya ng tuwid bago Kumamot ng bahagya sa tenga niya. She's cute, feeling ko ay mas matanda lang siya ng ilang taon kay Be — Batchoy.

"Opo, ano pangalan mo?" Mas malambing na ulit ko at inayos ang kanyang buhok. Weird because her hair is straight. Madulas at makintab din na parang ginamitan ng mamahalin na shampoo.

"Jillian po" she whispered.

I smiled then lightly tapped her nose, nanlaki ang kanyang mata kaya natawa ako. I offered my hand to her, she was just looking at it, and didn't know what to do next. Kaya ako na ang kumuha ng kamay niya.

"Kain na tayo?" She shyly nodded her head and let me hold her hand while we were walking towards where the people were already gathered for our lunch.

A community meal. That's how I call it. It warmed my heart after knowing their reason behind this tradition.

"Mas masarap kumain ng sama-sama ang pamilya. At sa nayon na ito ay magkakapamilya tayo. Ibang klase ng pagkabusog kapag alam mong lahat ay nakakakain ng tama. Kahit ganitong kasimple lamang ang mga pagkain natin ay kontento na basta sama-sama. Ganyan ang pamilya" I was looking at them, I think I'm getting softer for staying with them.

And of course, hindi ko naintindihan yan ng mabilisan pero dahil may interpreter ako na laging nakadikit sa akin ay tinranaslate niya para mas maintindihan ko.

"Oh, Ayan na pala ang ating muse!" Nagsigawan sila at sinakyan ko ang trip nila! I waved my free hand as if I was in a pageant. I even encourage Jillian to do the same.

Itinaas ko ang kamay niya at sinabing gayahin ako, nahihiyang ginawa niya ang gusto ko habang hawak ko pa rin ang isa niyang kamay.

I'm the Miss Universe and she's my Mini Miss U.

Sweet Escape ( Constellation Series #2 )Where stories live. Discover now