"Magandang umaga po lola! Lolo!" Naupo na ako para samahan silang kumain ng hapunan.
"Kamusta ang pagtuturo niyo ija?" Napangiwi naman ako dahil si Warren lagi ang nagtuturo
"Ayos naman po lolo kasi nandyan naman si Warren" napatango naman siya.
"Baka mamaya nagliligawan na kayo ha" napaili naman ako kaagad sa sinabi ni lola
"May Girlfriend na po yun tsaka magkaibigan lang po talaga kami lola" napangiti naan si Lola para kasi akong defensive sumagot eh
"Okay sabi mo eh" napa 'heheh' nalang talaga ako sa pinagsasabi niya
"Ah bukas pala ay aalis kami ng lola mo para dumalo ng kasal ng anak ng kaibigan namin at maiiwan ka dito" napatango naman ako
"Dalawang araw at isang gabi lang naman iyon ija at babalik din kami kaagad" napatango naman ako saka nginitian sila.
"Ayos lang po lola, lolo kasi may kasambahay naman dito na makakasama ko" napatango naman sila saka nagpatuloy sa pagkain
Pagkatapos naming kumain ay umakyat na ako ng kwarto ko. Naiisip ko lang talaga na kung aalis sina lola at lolo edi kung ganon si Sean ang driver nila at hindi ko siya makikita ng dalawang araw at isang gabi? Hala mahsorry nalang kaya ako?
Kanina pa ako paikot-ikot dito at iniisip kong magsosorry ba ako o hindi? Kaso gabi na eh
"Okay magsosorry na ako" nakakatakot naman baka magising sina lola at lolo.
Dahan dahan kong sinara ang pinto ng kwarto ko at bumaba ng hagdan pero nakita kong bukas pa ang mga ilaw. Siguro hindi pa umaalis si Manang Ester, patay. Nagpatuloy akong bumaba at nang nasa malapit na ako sa pintuan ay napahinto ako
"Saan ka pupunta Señorita?" Napatigil ako nang marinig ang boses ni Manang Ester. Kaya napalingon at ngumiti ako sa kanya
"M-magpapahangin lang sana kasi hindi ako makatulog" napatango naman siya kaya lumabas na ako
Halos bumalik nalang din ako sa loob ng mansyon dahil sa sobrang lamig dito sa labas at nakapantulog lang ako sa bistida. Hindi ko nga din pala alam ang bahay nila Sean pano ako pupunta dun?
Napansin Kong laging nakatambay si Sean sa tabi ng kotse kaya nagtungo ako sa garahe para tingnan kung nandoon siya and luckily he's here. I think hindi siya umuuwi kasi napansin kong may kwarto dito sa garahe at sa palagay ko ay sa kanya to. Nakita kong paikot ikot lang siya at parang may iniisip
"Anong iniisip mo?" Nakita kong nagulat siya kaya napatawa ako ng mahinhin
"A-anong ginagawa mo dito?" Gulat na gulat parin siya at hindu makapaniwala pero nginigitian ko lang siya
"Ano kase... Yung sa kanina yun-"
"Okay lang ako" iniwas niya ang tingin sakin at yumuko kaya lumapit ako ng kaunti sa kanya at mas lalong nanlaki ang mga mata niya ng yakapin ko siya
"I'm sorry kasi napaka harsh ko kanina at nagdugo pa yung ilong mo kasi hinampas ko, sorry talaga" dahan dahan niya akong inilayo kaya iniwas ko din ang tingin ko
"Pumasok kana, gabi na" napailing naman ako knowing na matagal ko aiyang hindi makikita
"Sasama ka diba?" Nakita kong tumango siya kaya mas lalo akong nalungkot at niyakap ulit siya "mamimiss kita" naramdaman ko ang pag iwas niya kay nagtaka ako
"P-pumasok kana SENORITA" Mas lalo akong nalungkot nang diinan niya ang Señorita
"Girlfriend mo ba siya?" Nmas lalong nanlaki ang mga mata niya pero hindi siya sumagot o umiling at tumango man lang kaya tumalikod na ako para sana pumasok nalang. Hindi ko namalayang tumulo na pala ang luha ko. Bigla akong nagulat nang maramdaman ang kamay na yumakap sa bewang ko. Lumingon ako sa likod at nakita kong si Sean pala kaya napayakap na din ako.
"I'm sorry. Hindi ko siya girlfriend" sabay nun ang pagpunas niya sa luha ko kaya mas hinigpitan ko pa ang yakap ko sa kanya.
"Bakit ang tagal mong sumagot?" I heard him chuckle
"Naguguluhan kasi ako sa mga inaakto mo" napayuko naman ako kasi narealize ko ang pinaggagawa ko
"Papasok na ako baka kasi hanapin ako ni Manang Ester" tumango naman siya. Aalis na sana ako nang hawakan niya ang kamay ko kaya nilingon ko siya ulit
"Baka lamigin ka" sabi niya habang inilalagay ang jacket sa akin kaya mas lalo akong napangiti
"S-salamat" ngumiti ako sa kanya at kita kong napakamot siya sa leeg niya kaya agad ko siyang aiyang ninakawan ng halik sa pisngi. Kita ko ang gulat sa mga mata niya dahil sa ginawa ko
'good night Sean!'
YOU ARE READING
PARALLEL BETWEEN US
Короткий рассказThis story tells about two worlds where we live. One is where we live in reality and the other one is where we live with our imaginations. I hope I didn't spoil you that much. Mas better na basahin mo muna to prove that you conclusion in your mind i...