CHAPTER 2

14 9 0
                                    

Hindi ko parin mapigilan ang sarili kong mamangha sa sobrang ganda ng mansyon ni Don Diego ang kaibigan ng aking lolo. Nagtataka din ako kung bakit Don, Donya, Señorita at Señor ang tawagan nila dito. I didn't even know that those call signs are still existed. Bakit kaya hindi dito tumira si mommy eh ang yaman yaman nila dito at lahat tinatawag kang señorita para kalang prinsesa kung sa tutuusin.

"Hi! Are you?" Napatingin ako sa nagsasalita and I saw a hazel nut eyes with long ang curly lashes. Lahat ba ng mga lalaki dito ganito ka gwapo? I think I'm in Danger.

"Ah oo." He chuckled as if may nakakatawa sa sinabi ko kaya tinaasan ko siya ng kilay "Am I a joke to you?" Bigla namang nag iba ang kanyang reaksiyon at naging seryoso ito.

"I'm Warren" kasabay nito ang paglahad niya ng palad sa harapan ko. Tinanggap ko naman ito saka nagpakilala din sa kanya "Elona" I saw him smile pero sandali lang yun

"So ikaw ba yung Warren na apo ni Don Diego?" Napatango naman siya saka tumingin kung nasaan sina Don Diego at nandoon din sina lolo at lola

"Last week lang ako dumating dito at katulad mo galing din akong manila." Napangiti naman ako kaya pala nakakapag english siya.

"By the way bakit makaluma naman ata ang tawagan dito?" Napatingin siya sakin saka ngumiti

"This place is a treasure for me. Lahat dito nasanay na sa ganoong paraan at lahat sila ay nangakong proprotektahan ang makalumang paraan nila para mabuhay. In short they choose to live like in the past" napatango naman ako. Kaya pala lahat sila ganoon nalang makapagsalita, puro tagalog.

"Maganda nga eh. Sarap siguro mabuhay dito" napangiti naman siya ng pilyo na para bang nagbibiro na naman ako

"You won't wish for that Elona" tinaasan ko naman siya ng isang kilay dahil parang pinaglalaruan niya lang ako. Napatigil naman ako sa pangingilay ko kay Warren ng makita ko sa labas ng bintana si Sean. Naglalakad lang siya at medyo madilim pa roon. I think nagbabantay siya ng sasakyan namin pero hindi ba malamok diyan?

"What is it?" Napabaling naman ang atensyon ko kay Warren na nasa tabi ko ngayon. He's also looking outside pero hindi naman siguro niya iniisip na si Sean ang pinagmamasdan ko.

"Wala. Ang ganda lang ng mga butuin" napangiti naman uli ito. Lagi nalang siyang nakangiti kapag may sinasabi ako para siyang tanga.

"Mas maganda ka actually" naguguluhan naman akong napalingon sa kanya

"What did you just say?" He chuckled and turn his gaze away from me. Iniwan niya ako sa kawalan at nakita ko siyang panay ang ngiti sa mga babaeng nakakasalamuha niya.

Medyo play boy din pala siya kahit hindi halata kanina. Ibinalik ko naman ang mga tingin ko sa labas kung nasaan si Sean and I saw him talking to a girl. Bakit naman niya kinakausap ang babaeng yan eh dapat nagbabantay siya ng sasakyan ah. Hindi ko napigilang lumabas at pinuntahan silang dalawa.

"H-hi! By the way magandang gabi sa inyo" nginitian ko silang dalawa pero parang bag timing ako. Nakaabala ata ako shems

"Magandang gabi din señorita bakit ka nga pala nandito diba po dapat nasa loob kayo?" Medyo naawkward ako dun ah. Bakit pa kasi ako lumabas eh may something wrong pala dito sa labas eh

"Ah eh boring s-sa loob eh" napatingin naman ako sa babaeng kausap niya kanina na masama ang tingin sa akin. Nakita kong may dala siyang mineral water and I think she'll hand it to Sean.

"Magandang gabi" napatango naman ako saka nginitian siya pero ramdam ko parin ang sakit ng mga tingin niya sa akin.

"Ah sige pasok na ako baka nakakaabala na ako" napangiti lang ako bago umalis dajil ramdam kong bad timing talaga ako. Nang lingunin ko sila ay nagpatuloy sila sa pag uusap. Bumalik nalang ako sa dati kong pwesto at pinagmasdan silang dalawa.

"Elona? Halika at ipinapatawag ka ng iyong Lolo" napabaling ang tingin ko sa kinaroroonan nina lolo kung nasan nandoon din ai Warren. Napatango ako saka sumunod sa likod ni Lola.

"Oh ija narito kana pala. Hayaan mong ipakilala kita sa aming mga amigo at amiga ng iyong lola. Ito nga pala ang anak ni Cristal si Elona" Nakita kong namangha ang lahat nang makita ako at nagpalakpakan sila eh wala namang naganap na palabas

"M-magandang gabi po sa inyo ako po si Elona"  Hindi ko din alam sa sarili ko kung bakit auto tagalog ako makipag usap sa matatandanda tsk.

"Napakagandang bata naman tong si Elona. Nababagay sa aking apo na si Warren" nakita kong napangisi si Warren habang nakatingin sa akin at mukhang nagustuhan pa ang biro ng kanyang lolo

"Mapag uusapan naman iyan amigo HAHAHA " Napatingin ako kay lolo na nakikipagtawanan kay Don Diego na lolo ni Warren

"Hayaan mo na ang lolo mo at nakikipagbiruan lang iyan sa kanyang amigo" napangiti naman ako sa sinabi ni lola kaya parang nawala ang pangamba ko.

"Totohanin mo ba?" Inirapan ko naman si Warren na ngayon ay binibiro ako tungkol sa sinabi ng lolo niya

"As if chickboy!" Napatawa naman siya saka nagwink sakin kaya pabiro kong hinampas sa baga niya at napa aray naman

"Joke lang eh" inirapan ko pa siya lalo dahil alam kong hindi siya titigil sa kakaasar sa akin

Nagsimula na ang party at busy na ngayon ang lahat sa inuman kaya ipinagpaalam na ako ni Lola sa lahat na ipauuna na niya daw ako at hindi para sa mga kaedad ko ang pag iinom. Big deal pa ata kay lola ang uminom ng mga alcoholic drinks at the age of 18. I'm at the legal age na kubg tutuusin but she's still so protective.

"Paalam binibining Elona" nagulat ako ng biglang halikan ni Warren ang mga palad ko. Nakita kong nabigla din si Lola doon pero buti nalang at siya lang ang nakakita at hindi sina lolo at lolo niya

"Yuck" nakita kong tumawa siya na parang nanalo siya sa lotto dahil sa lakas ng impact ng asar niyasakin

"Napakabolero talaga ng batang iyon. Mag ingat ka sa biyahe" napatango naman ako saka yumakap kay lola bago pumasok sa kotse.

"Mag iingat po kayo at huwag po kayong uminom ng marami lola" napatango naman siya at saka ngumiti

"Ihatid mo na si Elona Sean at mag ingat kayo sa pag uwi ha" napatingin naman ako sa driver seat kung nasaan si Sean at nakita kong tumango siya

"Pangako pong iingatan ko ang Señorita hanggang sa pag uwi" nakita kong tumango si lola bago umalis kaya umalis narin kami. Medyo nawala ako sa huwisyo mga 1 minute 'ano daw? Iingatan ako? Sus pangako yan ha' kinikilig na ba ako? Sean naman

"Ilang taon kana Sean?" Nakita kong napatingin si Sean sa akin through the mirror kaya sinikap kong hindi magpahalata sa kilig ko jusq

"Bente anyos po Señorita" tinaasan ko naman siya ng kanang kilay ko dahil nahahalata kong laging may po kung kumausap siya sakin

"Alam mo eighteen lang ako kaya pwede ba huwag kanang gumamit ng po nakakatanda eh" nakita kong medyo natawa siya kaya medyo naasar ako dun

"Sige po señorita" ano? Po na naman tsk. Mang aasar ba mga bata dito?

"Ayan ka naman sa po" nainis ako lalo dahil panay ang tingin niya sa salaman kaya iniabot ko ito para sana takpan pero nagulat ako ng huminto bigla ang kotse kaya ngayon ay magkalapit na ang mga mukha namin. Ramdam ko na ang bawat hininga niya at hindi ko parin mapigilang mapatingin sa mga mata niya na parang nagliliwanag dahil light brown ito. Nakita kong nakaaeang ang mga labi niyang pulang pula since napakaputi niya. Inilayo niya ang mukha niya saka inalalayan akong maalis sa unahan

"P-pasensya na. I was about to fix the mirror " nakita kong sandali siyang naguluhan pero umayos din naman kaagad ang itsura nito

"Ayos lang Señorita " medyo awkward pero hindi nalang ako umimik saka pinagmasdan nalang ang paligid na nadadaanan namin.

Nakakahiya ka Elona...


PARALLEL BETWEEN US Where stories live. Discover now