CHAPTER 5

8 8 0
                                    

Isinama ako ni Lola ngayon sa Palengke para mamili ng mga gagamitin sa pagtuturo ko sa mga bata. Mabuti nalang at napaka supportive ng lolo at lola ko. Inuna ko nang kinuha ang mga notebooks at papel pagkatapos ay sinunod ko namang kinuha ang mga lapis.

"Lola ayos na kaya to? I think okay narin kasi to" tiningnan naman niya ang mga pinamili ko at iniisa isa

"Nakalimutan mo ang pambura Elona at kumuha kana rin ng bondpaper, construction paper, crayons, ruler, gunting tsaka glue para maruruan mo din sila ng mga art skills mo" medyo napatawa ako sa huling sinabi ni Lola dahil hindi naman ako marunong magdrawing but I'm good at Calligraphy.

"Sige po lola hanapin ko lang" nilibot ko ang buong store saka kinuha ang nga kinakailangan. Nadaanan ko din ang manila paper kaya kumuha na din ako.

"Señorita baka gusto mo din ng ballpen" napatingin ako sa babaeng nagsalita. Siya pala ang nagtitinda ng nga ballpen

"Red tsaka black please. Pati na din yung markers pabalot nalang po". Habang binabalot ni ate gurl ang pinamili ko ay namangha ako sa isang sign pen na sobrang ganda. Nakita kong medyo mahal yun pero sigurado akong napakaganda ng sulat nun

"Ito na po" kinuha ko naman ang paper bag na may lamang ballpen at marker.

"Pakibalot narin nito" kinuha naman ng babae ang tinuro ko saka agad na binalot. "Ito ang bayad" iniabot ko na sa babae ang bayad bago umalis

"Oh? Tapos mo na bang bilhin lahat ng mga kailangan mo?" Napatango naman ako saka ngumiti at nagpasalamat.

Nang makarating kami sa Mansyon ay agad kong inayos ang mga gamit na gagamitin ko para sa pagtuturo. Bukas ay magsusulat pa ako sa Manila paper ng ABAKADA, ABC at mga numbers para sa unang pag aaral nila.

Nalaman kong may paaralan naman talaga dito kaso lang ay ayaw pag aralin ng mga parents ang mga anak nila dahil daw sa magasto at abala lang ito. Talagang isip makaluma pa talaga ang mga tao dito but mag iiba na yun since isa akong Manila girl.

"Elona apo hali kana at maghahapunan na tayo" agad naman akong sumunod kay lola ar iniwan na muna ang mga kalat sa kwarto ko

"Kamusta naman ang pamimili mo? Nabili mo ba lahat ng kailangan mo apo?" Napatango naman ako sa tanong ni Lolo

"Salamat nga po pala kasi ang supportive niyo" nagsitinginan naman si Lolo at Lola at saka ngumiti sa isa't isa

"You should do anything you want Apo. If your heart wants to help them then do it kasi habang nandito ka ay malaya kang magagawa ang lahat ng gusto mo with our support" hindi ko napigilang mapangiti sa sinabi ni Lola. Parang may tinik sa dibdib ko na biglang nabunot. Napakasaral pakinggan non

"SALAMAT PO LOLA, LOLO!" Tumayo ako para yakapin sila. Sobrang saya ko dahil mababait sila.

"Basta malapit nang matapos ang munting paaralan mo Elona. Kahoy pa lamang iyon pero maipapangako kong magugustuhan mo iyon" lalo akong napangiti at napatango sa sobrang saya .

Nang matapos na kaming kumain ay agad akong bumalik sa kwarto ko para mag-isip ng mga designs para sa Little school ko. Feeling ko talaga ito yung lagi namin nilalaro noon nung bata pa ako,  turuturuan.

Nagsimula na akong magsulat ng ABC. Nilagyan ko ng design ang pagsulat nito at ginamitan ko ng Calligraphy ko kase magaling ako magcaligraphy.

Nagulat ako nang biglang may pumasok na kendi sa kwarto ko. Nakita kong galing ito sa labas kaya agad akong sumilip sa bintana ko.

"W-warren?" Nakita kong pangitingiti pa moko kaya agad akong lumabas para lapitan siya

"Anong ginagawa mo dito. Alam mo namang gabi na tsaka puro matatanda kasama ko dito baka ano pa isipin eh" natawa siya ng malakas kaya pinalo ko siya sa sobrang kaba na baka marinig siya nina lolo at lola

"Pwede bang sumama sayo magturo?" Tinaasan ko naman siya ng kilay

"At bakit? Tsaka pwede ka namang pu-" lalo akong nainis dahil hindi na niya ako pinatapos

"Tsk. Yes or no?" Napaisip naman ako pero tumango nalang din ako at mabuti nga yun may kasama ako.

"Pero next week ka nalang sumama kase mag aayos pa ako dun" napatango naman siya na parang may iniisip din

"Sige. May gagawin pa naman din kasi ako this week" tumango na din ako saka sinabihan na siyang umalis dahil baka maabutan kami nina lolo at lola

"Ingat ka" nakita kong napangiti siya bago itaas ang kamay para magbabye

Bumalik na nga ako sa kwarto ko at pinagpatuloy ang ginagawa ko. Dinalhan naman ni Manang Ester ng meryenda utos daw ni Lola

"Salamat po Manang Ester"

"Walang anu man Señorita" yumuko ito bago umalis kaya sinimulan ko ng magsulat ng mga numbers na hanggang 100. Medyo marami pero gusto ko naman at mas magagamit ko dito ang pagiging magaling ko sa Calligraphy.

After ko matapos ang lahat ay saka ko lang kinain ang dala kanina ni Manang Ester na Cookies at medyo malamig narin ang gatas pero ininom ko parin since sayang. Masarap talaga magbake ni Lola.

Iniligpit ko narin ang mga kalat ko since tapos
ko na ang ABC at numbers dahil bukas ko
nalang gagawin ang ABAKADA kasi napakahaba nun. After kong magligoit ay natulog na rin ako dahil masyado ng late.


PARALLEL BETWEEN US Where stories live. Discover now