CHAPTER 4

10 9 0
                                    

Nang makarating kami ay agad kong nakita yung kabayo na sasakyan ko but I forgot the name. Inalalayan ako ni Sean sa pag akyat ko sa kabayo even though nakakakaba talaga.

"Thanks. By the way ano nga ulit yung name nitong kabayo?" Medyo naguluhan pa siya nung una pero naging okay din naman yung mukha niya.

"Winter" tsk. Ang cold naman ng sagot.

"Matagal kana dito?" Hindi siya tumitingin sakin pero nakaalalay lang siya. Ako lang yung nakasakay sa kabayo tapos siya naglalakad bruhh

"Simula bata ako" ang cold talaga ng mga replies niya parang may bayad ang mga salita ah. I can afford naman basta huwag lang aabot sa millions

"Ang cold mo no? Playboy naman" naguguluhan siyang napatingin sakin kaya nag iwas ako ng tingin

"Ha?" Napailing naman ako kaagad at dahil doon ay nagpanick si Winter yung kabayo. Kinabahan ako dahil ayaw niya tumigil sa kakatalon and the I fell.

"Mommy!!!" Napamulat ako ng mga mata ko nang makitang nasa bisig ako ni Sean. Nasalo pala niya ako kinabahan ako dun ah "t-thanks" umiwas siya ng tingin kaya nagmadali akong tumayo

"Mag ingat ka Señorita dahil baka malagot ako sa lolo mo" ay ganun? Humaba nga ang sagot mukha namang galit. Suplado

Masaya na sana ako kasi The first time I fell nandyan ka para saluhin ako pero mukhang galit ka ata pre.

"Sorry" hindi parin siya nakatingin sa akin
"By the way Girlfriend mo ba yung girl kagabi na hinaharana mo?" Mukhang nagsisisi na ako na tinanong ko pa yun. Nakakapaso ang mga tingin niya

"Vivian. Vivian ang pangalan niya" napayuko nalang din ako ng marinig yun. Kilala ko naman siya eh why calling her name in such a soft voice? I can't stop myself na magselos kaya nauna nalang ako. I don't want to hear it anymore, masyadong masakit.

Nang makabalik kami kina lolo ay inabala ko nalang ang sarili ko na kumain ng mga pagkain dito. Nakafresh ng fruits dito at masasarap ang pagkain dahil napakafresh. Nakita kong maraming maliliit na bata age 10-15 na ata sila, masayang naglalaro.

"Hey mga bata! Wanna have some?" Nakita kong kumunot ang mga noo nila saka nagtinginan sa isa't isa

"Hindi sila nakakintindi ng English" gulat akong napatingin kay Sean dahil sa sinabi niya.

"G-gusto niyo ba?" Nakita kong biglang lumiwanag ang mga mukha nila at nagsingitian

"Opo ate gusto ko po!" Sigaw ng isang cute na little girl na papunta sa akin kaya binigyan ko siya ng cookies na pinabaon kanina ni lola

"Ako din ate!" Halos masaya ang lahat nang makatanggap sila ng cookies. Napakagandang tignan, I wanna have photos with them pero wala dito ang cellphone ko.

"Bakit hindi sila marunong mag English?" Napabaling naman sakin si Sean

"Hindi sila nakakapag aral" gulata kong napatingin kay Sean at sa mga bata

"P-pano? E diba may mga parents naman sila? Tska malalaki na sila" iritang napatingin sakin si Sean saka nagsimulang magsalita

"Alam mo Señorita hindi lahat ng tao katulad niyo. Kung kayo may pera pang aral kami wala at maswerte lang ako dahil scholar ako ng lolo mo" napayuko naman ako sa sinabi niya. Parang sinasabi niyang kasalanan pero I know hindi yun yung sinabi niya.

"Ganun pala. Kung ganon hindi din sila marunong magbasa at magsulat since they don't go to school?" Napabuntong hininga si Sean sa sobrang irita sa mga sinasabi ko

"Oo Señorita" napasimangot naman ako sa sinabi niya

"Pasensya kana medyo clingy ako ha tsaka dun sa tinanong ko kanina about kagabi" napatango naman siya. Nakita kong napabaling siya sakin pero umiwas din kaagad.

"Kapatid ko yun" halos mawalan ako ng balanse sa narinig ko. K-KAPATID? HAHAH seriously? Tapos pinagselosan ko pa yun eh kapatid pala ampt.

"May kapatid bang hinaharana? Dzuh" he chuckled pero hindi nakatingin sa akin

"Dito oo sa inyo wala?" Nagsikunot naman ang mga kilay ko dahil sa sinabi niya. Nang aasar na naman ang Probinsyanong to

Napatakbo ako bigla papunta kay lolo dahil may naisip akong paraan if ever. Nakita kong nakaupo si Lolo habang nagkakape sa sala ng bahay. Medyo luma na talaga ang bahay pero walang kupas parin ang ganda nito

"Lolo I have something to tell you po, it's a request actually" napatingin naman sakin si Lolo with a curious face

"What is it Elona?" Napangiti kaagad ako saka ipinaliwanag sa kanya kung ano ang gusto kong sabihin sa kanya.

"Gusto ko silang turuan Lolo habang nadito pa ako" sumeryoso ang mukha ni Lolo pero patuloy parin ako sa pagsasalita "Gusto kong matuto silang magsulat at magbasa" napatango naman siya saka tumayo

"Ihanda mo na ang mga gamit mo at mamimili tayo ng mga gamit sa palengke" halos mahulog ang puso ko nang marinig yon. Pumayag si lolo kaya napayakap ako sa kanya bago magtalon talon sa sobrang saya.

I hope na magagawa ko ang bagay na ito...

PARALLEL BETWEEN US Where stories live. Discover now