—please calm down, breathe in...breathe out —
SA sunod-sunod na pagbagsak ng luha ko ay agad silang nataranta. Hindi yata nila mawari kung paano ako aalo-in.
Blake is with a woman earlier...
I've seen Blake with a woman!
Kumawala ang mga hikbi ko. Hindi ko mapigilang humagulgol—ang sakit. Bakit ganito ang nararamdaman ko?
“K-Kash—” pagsumamo ni Gab.
Nanlalabo na ang paningin ko, nanghihina na rin ang mga tuhod ko. Siguro kung nakatayo lang ako ay kanina pa ako bumagsak.
Hindi ko alam kung bakit ako nasasaktan, dapat ba akong masaktan dahil lang do'n? Hindi ko na alam...
“Kashirra, sorry! Princess hindi sinasadya ni kuyang paiyakin ka, an—” hindi niya natapos ang sasabihin pa nang bigla akong tumayo.
Pinahid ko ang luhang naglalandas sa pisngi ko ngunit wala itong silbi sapagkat patuloy itong napapalitan ng bago mula sa hindi pa rin tumitigil na pagluha ko.
Binuka ko ang aking bibig upang magsalita ngunit walang lumabas na tinig mula rito...gusto kong sabihin kung gaano ako nasasaktan ngayon pero hindi ko magawa.
Palipat-lipat ang tinging ipinupukol ko sa kanila, nagbabakasakaling mahanap ko na ang tinig ko para maboses ko na ang bigat na nararamdaman ko—ngunit wala.
Pagkwa'y tumalikod ako sa kanila, tumakbo—gusto kong magtago at doon magpatuloy umiyak.
While running I kept wiping my tears kahit alam ko namang it's no use. I was about to go up stairs nang makasalubong ko si Karizza.“Rheika? What happened, babe? Why are you crying?” she questioned, i burst into more tears.
“Hala! Gosh, what did I do...ayaw mo ba sa new nickname ko sa'yo? Please calm down, Kash. Tama na please—nahihirapan ka na huminga oh!” tarantang aniya, sinusubukan akong alo-in.
Nang mas lalo pa akong umiyak ay napasigaw ito sa gulat—hindi niya na alam kung paano ako patatahanin. Dahil dito ay naagaw na rin namin ang atensyon ng iba pa naming kasama.
Agad akong dinaluhan ni mama na galing sa kwarto nila, nakasunod dito si papa. Naalarma rin dahil sa ingay sila kuya Jaree at Gelo kaya naman agad nilang hinanap kung nasaan kami.
“Anak, anong nangyari?” naiiyak na tanong ni mama, niyakap ako.
“Kari, pasuyo ng tubig 'nak!” paki usap ni papa, hinahagod ang likod ko. “Ma, huwag mo muna yakapin ang anak natin...nahihirapan pa siyang huminga—let's give her some space to breathe,” dagdag pa niya.
“Ano pong nangyari, tito?” nag-aalalang tanong ni kuya Gelo.
Ini-abot naman ni kuya Jaree ang baso ng tubig na dala ni Kari kay papa.
“Hindi rin namin alam, galing kami sa kwarto ng tita niyo nang marinig namin ang pagtili nitong si Kari,” sagot nito, dahan-dahan akong pinapainom.
Nagi-guilty ako sa pag-aalala nila pero hindi ko mapigil ang pag-iyak. Naninikip na rin ang dibdib ko dahil dito pero wala akong magawa—hindi ko alam kung paanong hihinto.
Tama na please, ang sakit-sakit na!
Inalalayan ako ni papa papuntang sala, dahan-dahang pina-upo. “Ilabas mo lang 'yang nararamdaman mo anak, pero...pwedeng kalma ka muna? Natatakot na si papa oh, hindi ko kayang makitang nahihirapan ka,” pagpapatahan ni papa sa akin.
![](https://img.wattpad.com/cover/330758848-288-k661341.jpg)
YOU ARE READING
THIS IS MY SURRENDER
CasualeRheixielle Kashirra Torrelba has lived a life she believed to be perfect for fifteen years. She had a loving family, a successful career path, and a bright future ahead of her. But everything changes when she uncovers a shocking truth about her past...