:: AWE-INSPIRING

65 7 0
                                    

      —let me sing my heart, baby you're the most beautiful art

     STILL crying, I headed towards my father and hug him. I miss this, I so miss being cage with my father's warmth. I felt secure and safe!

Hugging me back, he strokes my hair just like what he does every time na naglalambing ako. “Aww! My princess is a cry-baby. See this man? Ang prinsesa naming daig pa ang prinsipe kung kumilos ay emotional so please try to be patient with her. Understand each other, okay?” he said soothing me.

“Kapag ba pinaubaya namin siya sa'yo, makasisiguro ba kaming maaalagaan mo siya gaya ng pag-aalaga namin sa kaniya?” dugtong pa nito.

“Pa naman, hindi niya po hinihingi ang kamay ko... Manliligaw po siya, hindi mag-aaya ng kasal!” I said shyly.

Grabe naman si Papa!

“Bakit ba? Parang gano'n na rin iyan 'no,” tawa nito, tumayo sa kina-u-upo-an.

“Hindi ba iho?” baling nito kay Blake.

“Yes po, t-tito!” gulat na tugon niya. Mukhang hindi niya rin inaaasahan ang mga pinagsasasabi ng tatay ko.

“Oh siya sige, maiwan na muna namin kayong dalawa rito at nang makapag-usap kayo,” paalam nito bago akayin si mama patungong kusina.

Nang maiwan kaming dalawa rito sa sala ay inaya ko siyang maglakad-lakad sa bakuran namin dahil hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko sa kaniya. Natahimik din kasi siya nang kami na lang dalawa ang magkaharap.

Nakarating nga kami hanggang likod-bahay kung nasaan ang hardin ni mama bago nabasag ang katahimikan sa pagitan naming dalawa. Akala ko'y tuluyan nang magiging awkward sa pagitan naming dalawa.

Hinarap niya ako pagkahinto namin sa duyan, nakaupo ako rito habang marahan niyang dinuduyan.

“Siguro'y iniisip mo na tila napakabilis yata...” panimula niya.

Nilingon ko ito, “Hindi naman sa gano'n, I'm happy nga sa effort mong kausapin pa sila mama at papa to ask permission e...I appreciate it. Pasensiya na nga pala kay Papa gano'n lang talaga iyon,” masuyong sagot ko.

Malapad itong ngumiti, “Ano ka ba, natutuwa nga ako e dahil ramdam ko kung gaano ka nila kamahal. Protective siya sa'yo kaya nag-aalala lang iyon.”

Ngumiti rin ako pabalik sa kaniya. Tama naman siya, despite our current situation...alam kong mahal pa rin nila ako.

“About sa panliligaw ko sa'yo, huwag mo sanang isiping prini-pressure kita to like me back...kaya ko kinausap at hiningi ang permission ng malalapit sa'yo especially your parents to give respect with your relationship to them. Kung hindi mo ako gusto ayos lang, I just hope that you'll still give me a chance to prove myself. Now to formally court you, will you let me?” umaasang pahayag niya.

Hininto ko ang pag-ugoy ng duyan at tuluyan na siyang hinarap.

“Paano kung hindi kita magustuhan in the end, edi sayang lang ang effort mo?” seryosong tanong ko. I just wanted to know what would be his answer.

Nginiti-an niya ako bago sumagot, “Hindi ka naman manliligaw dahil alam mong gusto ka niya e...manliligaw ka dahil gusto mong patunayan sa kaniya ang nararamdaman mo at para na rin mas makilala niyo pa ang isa't isa. Courting doesn't mean you need to answer me YES afterwards, dating doesn't mean we need to end up together  which I wish and hope we will  but it's a phase where someone expresses his feelings. It's a choice and decision I make to prove that I'm worth it for your love and trust. That this relationship...you—you're worth risking for,” sinserong aniya.

THIS IS MY SURRENDER Where stories live. Discover now