:: PLAN

45 3 0
                                        

-things happen because there's something better to come -

Napuno ng tawanan ang sala namin dahil sa pang-aasar nila kay kuya Kyle.

"Hindi nga, bati na tayo?" parang batang pagsusumamo nito.

Inirapan ko siya. "Hmm..." kunwari'y pag-iisip ko.

"Palitan mo raw muna lahat ng kinain mo, especially 'yang avocado kasi kanina pa masama ang tingin ni Kari sa'yo," tatawa-tawang ani kuya Gelo.

"Tse! Kash-No! Sinira niya 'yong perfect timing na ang tagal mong hinintay, kinain niya pa 'yong avocado ko kaya huwag kang makipagbabati," parang batang pagkontra ni Kari.

"Sorry na nga...ba't parang mas galit ka pa Loveleah Karizza!" maktol nito.

"Bakit ba kasi may pa timing-timing pa? Hindi ba pwedeng sagutin mo na lang siya ngayon, gaya ng plano mo kanina?" inosenteng tanong nito.

Sunod-sunod ang batok na tinamo niya.

"Tss. 'Yan, dahil d'yan sa kawalan mo ng sweetness at effort sa katawan kaya ka hindi pinapansin ni Earl!" panibagong batok na naman ang tinamo niya mula kay kuya Jaree.

Sumama ang tingin nito.

"Kanina pa kayo ah! Nakararami na kayo ng batok tapos ngayon namemersonal ka na Javier!" inis na a nito.

"Gamitin mo kasi isip mo, Castillo! Ba't ba ang immature mo ngayon?" kuya Jaree countered.

"Oh-oh-oh, tama na 'yan! Mamaya magkapikunan pa kayo at magkasakitan, mauna na kaming matulog...matulog na rin kayo," paalam ni mama.

"Sige po, tita. Goodnight!" sabay-sabay nila tugon.

"Goodnight po mama, papa!" halik ko sa kanila.

Nang maka akyat na sila mama sa silid nila ay bumuntong hininga ako.

"Can we not talk about that na? We're just going to make it worst kasi by the awkwardness..." paki usap ko.

Tumango naman sila.

"It's getting late na rin po, will you stay for the night or you all are going home pa?" inaantok na tanong ko.

"I'm staying! I'll have the sleepover in your room because I miss you-" Kari beamed, still having her usual energy.

"Ang sabihin mo, may tsismis ka lang," pang-aasar ko, humihikab na.

"Kami, uuwi na-"

"Ano? Tinanamad na akong mag-drive!" pagputol ni kuya Kyle sa sinasabi ni kuya Jaree.

Sinamaan siya ng tingin ni Gab at kuya Gelo.

"Castillo, ang kapal ng mukha mo! Baka nakalilimutan mo, hindi ka pa napapatawad n'yan ni Kash," sita ni kuya Gelo.

"Hindi pa ba?" he challenge.

Umiling ako. Gawa ng antok at medyo pagka-disappoint pa sa nangyari ay 'yan lang na sagot ko.

Nalungkot naman ito.

"I understand. Sige, princess mauna na muna kami... Goodnight and I'm sorry ulit," yakap nito sa akin, niyakap ko naman siya pabalik.

THIS IS MY SURRENDER Where stories live. Discover now