—beats me, he kissed me?—
RK's POV:
ANG sungit mo kasi, ayan tuloy nagtampo jowa mo...
Tsk! Sobrang sungit mo kasi kaya ayan nagtampo tuloy jowa mo...
Ang sungit m—
Argh! Nakakainis, he's so vile. What a paepal! His words kept replaying in my head for I don't know what reason. And I so hate myself for that!
Tsaka ano naman kung sobrang sungit ko 'di ba? At para sa impormasyon ng lahat, I don't have a boyfriend for pet's sake!
“Great job Kashirra!”
“Nakaka-goosebumps! Woah, RK!”“Kash grabe, 'di namin in-expect 'yon!”
“Isa kang idol! Nakakagulat ka bhe, ang hina-hina ng boses mo kapag nagsasalita ta's woah, astig!”
“What a transformation, indeed!”
I was pulled out from my thoughts back to reality because of those noise. It's overwhelming! Ilan lang iyan sa mga naririnig ko tuwing nagpapractice kami. Minsan natatawa na lang ako sa mga kumento nila tungkol sa akin, till now gulat pa rin pala sila. Well, anyway ito nga at nasa practice ako ngayon.
Gosh, I almost forgot because of him! How could I be so distracted, malapit na ang contest?!
Honestly, nakakapagod lalo na't dalawa ang sinalihan kong event. Radio Broadcasting, English and Speech Choir which is a day lang ang pagitan ng contest proper, pero... keri lang and I love what I'm doing so, balewala ang pagod. At stress reliever ko na rin kasi ito kaya as long as I can manage my time at kaya naman i-handle, go lang tayo lagi.
Sa totoo lang, isa rin ito sa paraan ko to cope up. Dito pakiramdam ko, my feelings were not invalidated, hindi ako nag-iisa sa laban because I am surrounded by love and support.
Nagkakatuwaan kami ng mga kasama ko sa Speech Choir dahil break time namin bago mag isang sabak muli then I'll proceed next to Radio Broadcasting for my next practice.
Kain lang kami nang kain. Actually, lumabaspa kami para bumili ng ice cream. Palihim ito promise! Bawala daw kasi muna kami sa malalamig at sweets, ang kaso mga pasaway kami kaya, alam na. Huwag nga lang sanang mahuli ni coach, kasi for sure mapapagalitan talaga kami at hindi papansinin.
THEN, after eating sa labas ay bumalik na rin kami sa loob ng school since 10 minutes na lang magsisimula na ulit kami. At habang naghihintay, kaniya-kaniya kami ng pwesto sa stage, hindi ko alam kung anong mga trip namin.
Si kuya Kyle, pinagtutulungan namin ngayon ni ate Avi kaya ayan kawawa. Siya naman kasi ang nauna, hinampas ba naman kami ng drum's stick. Aba nanahimik kami sa gilid tapos biglang manghahampas! Tho hindi naman malakas, masakit pa rin kaya. Aba'y papansin lang? Kaya ayan, takbo siya nang takbo ngayon, takot yatang makalbo.
Hahabulin ko na sana uli siya dahil sinabunutan niya ako, ang kaso natigilan ako when someone kissed me on my cheeks. Gosh! Muntikan pa sa labi dahil sa pagtakbo ko
Nagulat ako do'n but then hindi ko na pinansin at nagawang lingunin kasi hinila na ako bigla ni kuya Kyle para magpractice na muli... So, ayun hindi ko alam kung sinong pangahas ang nanghalik sa akin.
“Avi, ang pangit mo HAHAHA, ” pang-aasar muli ni kuya Kyle.
Siraulo talaga, 'di na nga pinapansin tsk, masapak sana.
YOU ARE READING
THIS IS MY SURRENDER
DiversosRheixielle Kashirra Torrelba has lived a life she believed to be perfect for fifteen years. She had a loving family, a successful career path, and a bright future ahead of her. But everything changes when she uncovers a shocking truth about her past...