—you can deny, but you can't hide it —
NAPATANONG ako sa sarili dahil sa salitang binitiwan niya, how could someone request someone else's happiness while sacrificing theirs?
Dito ko napagtantong, hindi pala lahat ng bagay kailangan nating ipaglaban dahil gusto natin at kaya natin...minsan mas okay na mag-let go and accept things as it is.
Bakit mo nga naman kasi ipipilit kung una pa lang alam mong hanggang d'yan lang talaga ang pwede at magiging kumplikado lang ang lahat kung ipagpipilitan pa?“So, gano'n ginu-good time niyo talaga ako?” hindi makapaniwalang tanong ni Gab.
Nang marinig ko ang boses niya ay nabalik ako sa reyalidad mula sa malalim na pag-iisip.
Umirap ako't namewang. “Ah...so, gusto mo talagang mainis ako dahil tinawag mo akong pato?” mataray kong tanong, masama rin ang tinging ibinibigay ko rito.
“Love, hindi—” naputol ang kaniyang sasabihin dahil sa pagsabat ko.
“Anong love? Matapos mo akong ikumpara sa pato, tatawagin mo akong love?! Hmft!” muling pag-irap ko na sinabayan ko pa ng pagtalikod.
“Blake, pa'no ba 'yan...mukhang kasasagot lang sa'yo nagtampo na? Mag-ingat ka, handa pa rin akong sumugal kung sakali,” natatawang pahayag ni kuya Kyle, halatang nagbibiro lang ito.
Ngunit sa narinig ay tila sandaling dumilim ang awra ni Gab, agad din naman itong tumawa pagkatapos.
“Huwag kang mag-alala kuya, hindi rin naman ako magpapatalo!” tawa nito, inakbayan ako.
Siniko ko ang tagiliran niya, “Ah... so, magtatampo ka rin sa tuwing magtatampo ako?” pagsusungit ko.
Alam ko naman kung ano ang ibig niyang sabihin pero sa gan'to ko na lamang dinaraan dahil natatakot ako na mas bumigat pa atmosphere namin dito dahil sa dalawang 'to. Hays, ang hirap maging maganda!
Napatawa ako dahil sa naisip ko, nababaliw na yata ako.
“Kashirra, okay ka pa naman, 'no?” nangangambang tanong ni kuya Gelo dahil sa biglaang pagtawa ko.
“Congratulations, Gabzen Blake, may jowa ka nang baliw!” pang-aasar pa ni kuya Jaree, sinabayan ng pagpalakpak.
Parang tanga ring sumabay si Kari sa kaniya habang tumatango pa, mukhang hindi pa yata siya nakababawi sa pagkabigla dahil sa mga kaganapan. Sino ba kasing oo? Ikaw kaya makaranas o makakita ng isang taong sinorpresa, literal na surprise!
Ang hirap din pala talaga kung 'yong kaibigan o taong malapit sa'yo ay nagkagusto sa'yo tapos hindi mo masusuklian kasi hindi naman kayo pareho ng nararamdaman. Oo, hindi mo kasalanan pero hindi mo pa rin maiiwasang isipin na baka kung hindi kayo naging malapit o nagkakilala ay hindi siya makararanas ng one sided love...Nalungkot na naman ako bigla dahil dito, paano nga kaya, 'no kung wala kaming connection sa isa't isa? Maybe kuya Kyle won't be hurt because of me, 'no?
“Kashirra, huwag ka naman sanang matuluyan d'yan! Nakaba-bother ha, kanina nagsusungit ka tapos biglang tumatawa at ngayon, malungkot ka na naman...hindi ka pa naman nababaliw, ano?” tanong ni kuya Kyle, hindi ko malaman kung seryoso ba o nang-aasar lang.
Sa inis ko ay nabatukan ko ito.
“Ang sama niyo! Baliw agad, seriously?!” hindi makapaniwalang tanong ko, ngumuso pa ako pagkatapos.
![](https://img.wattpad.com/cover/330758848-288-k661341.jpg)
YOU ARE READING
THIS IS MY SURRENDER
DiversosRheixielle Kashirra Torrelba has lived a life she believed to be perfect for fifteen years. She had a loving family, a successful career path, and a bright future ahead of her. But everything changes when she uncovers a shocking truth about her past...