Prologue: The Dream

29 7 1
                                    

Kasalukuyan akong naglalakad sa isang kagubatan kasama ang ilan sa mga kagrupo sa club na sinalihan ko sa school, at ang isang hindi katandaang lalaki na nagsisilbing guide namin na pinangungunahan ang daan. Siyam kaming lahat, kasama pa ang lalaki na nasa harapan ng president at vice president ng club namin. Nasa pinakalikurang bahagi naman ako ng linya at ako lamang ang walang katabi.

Ilang minuto lang ang lumipas nang sa ’di kalayuan ay mayroon akong nakitang grupo ng mga tao. Base sa kanilang pananamit ay masasabi kong parang mga campers sila. Nakita kong pinagmamasdan nila ang isang kakaibang bagay na kulay itim na tila nakadikit sa dalawang puno na magkalapit lamang. Tila nagmistula itong pader na nagkonektado sa dalawang puno. Nakatitig lamang ako sa itim na bagay na iyon habang nag-uusap naman ang mga kasama ko.

Huminto kami sa paglalakad at humarap naman sa amin ang lalaki. Dito na ba ang pupuntahan namin? Tanong ko sa sarili.

Hindi ko maipaliwanag kung ano ang bagay na iyon. Kakaiba, iyon lamang ang nasa aking isip.

Habanag abala silang lahat sa pag-uusap ay mayroon akong napansin. Sa gilid ng aking mga mata ay mayroon akong napansin na tila mga nakahilerang mga itim na bagay sa ’di kalayuan. Sa una’y akala ko mga nakahilerang basurahan lamang ito. Tila pinalilibutan kami ng mga itim na bagay na iyon sa ’di kalayuan.

"Rumors says that a cult once performed a ritual here" dinig kong sabi ng lalaki kaya napalingon ako sa kaniya.

Nanlaki naman ang aking mga mata nang mapalingon ako sa grupo ng mga nilalang na nakasuot ng itim na balabal. Nabigla ako at nanigas sa takot nang makitang inaatake ng mga nilalang na iyon ang grupo ng mga campers na pinagmamasdan ang itim na bagay sa puno kanina. Gusto ko mang magsalita ay walang salita ang lumabas sa aking bibig.

Nakita kong lumingon ang isa sa mga nilalang na iyon sa aming direksyon. Nasilayan ko ang nakakakilabot na itsura nito at ang dugong nagkalat sa kaniyang bibig. Huli na nang mapagtanto naming pinalilibutan kami ng napakaraming nilalang na nakaitim na balabal.

Nakakakilabot sila!

Kukay itim ang kanilang mga mata at napakaputla ng mga balat. Tila mga aswang ang mukha ngunit sa anyong tao ang kanilang katawan... iyon ang kanilang wangis. Nagulantang ako nang bigla nilang inatake ang mga kasama ko.

I was stunned as I stared at them in horror. They were bitten! They were eating them alive like a mad man! Tila isang mabangis na hayop ang kanilang mga asal.

Nakita ko ang mga laman nila na nagpira-piraso....

Kumalat ang kanilang dugo sa paligid....

Lumingon sa akin ang isa sa kanila na lumingon rin sa akin kanina habang inaatake nila ang grupo ng mga campers.

"Ikaw—"

Sa sobrang takot ko ay bigla akong napapikit.

Napamulat ako ng mga mata habang hinihingal. Nakatitig lamang ako sa kisame habang hindi makapaniwala sa aking napanaginipan.

Bangungot? Binangungot ako.

Dahan-dahan akong bumangon mula sa pagkakahiga saka hinimas ang aking noo.

Panaginip. Oo, panaginip lang iyon.

Hinihingal akong napahimas ng aking leeg habang napapapikit. Nag-angat ako ng tingin saka tumitig sa kawalan.

That felt so real....

District 056 : The OutbreakWhere stories live. Discover now