Chapter 10: The Depression

8 4 0
                                    

Matthew

Mariin kong hinaplos ang buhok ni Ylana habang pinagmamasdan itong natutulog. Kasalukuyan akong nakaupo sa gilid ng higaan nito.

Mugtong-mugto na ang mga mata nito at halatang pagod na pagod kakaiyak kanina.

"I’m sorry for what happened Ylana...." mahina ang boses kong sambit. "You’ll get through this.... I believe in you... I’ll be here... by your side. I will protect you"

I can feel how hurt she was. Witnessing the death of your sibling with your own eyes feels like your soul shattered into pieces. I saw it happened... I saw it with her own eyes.

The look of her dead eyes at that moment. She looked numb because of pain. I saw how she fought those monsters with those dead eyes. Pain made her numb.

Napatingin ako sa braso nitong nakabenda. Nanumbalik sa aking ala-ala ang mga oras na iyon.

"Ylana!" kinakabahan kong banggit sa ngalan nito nang makita kong nawalan siya ng malay.

Binilisan ko ang pagpapatakbo ko ng sasakyan upang makarating agad kami sa hideout.

Hindi ko maipaliwanag ang takot na aking nararamdaman.

Lumaban ka Ylana... please...

Ilang minuto ang lumipas nang makarating na kami sa hideout. Agad kong pinatay ang makina ng sasakyan at lumabas mula sa driver’s seat. Tumungo ako saka binuksan ang pinto sa passenger's seat at nanlaki ang aking mga mata nang makita ang labis na pandurugo ng kanang braso nito.

Agad ko naman itong inakay saka binuhat papasok sa bahay. Bumungad sa aking harapan si Shan na gulat na gulat sa kaniyang nakikita.

"What happened to her?" nag-aalala nitong tanong.

"Just get those bags in the car. I’ll explain later" bilin ko rito bago umakyat sa hagdan.

Dahan-dahan ko namang inihiga si Ylana sa higaan at agad na tumungo sa baba upang kumuha ng first aid kit, bimpo, at basin na may tubig. Nang makabalik ako sa kuwarto nito ay inilapag ko ang mga dala ko sa bedside table.

Ibinabad ko ang bimpo sa tubig saka ito piniga bago dahan-dahang ipinahid sa braso ni Ylana. Matapos linisan ang nagkalat nitong dugo sa kaniyang braso ay agad kong kinuha ang first aid kit. Nilinisan ko ito saka ginamot bago dahan-dahang naglagay ng benda sa kaniyang braso.

Matapos iyon ay dinala ko muli ang basin at first aid kit sa ibaba. Tumungo ako sa sala at agad na nakita ang mga bag namin na dinala ni Shan.

"What happened to her?" bungad ni Shan.

"She got clawed by a monster" sagot ko habang ibinabalik ang first aid kit sa lagayan nito.

"How is she? Is she awake?"

"She’s fine now" tugon ko habang binubuksan ang bag ni Ylana.

Inilabas ko rito ang dalawang litro ng tubig, mga inumin, mga makakain at napahinto nang makita ko ang mga under garments na panlalaki.

Kumuha siya nito?

Agad ko naman iyon’g nilabas at naghagis ng ilan kay Shan.

"That’s yours. These are mine" sambit ko.

"How thoughtful?" nag-aalanganin pa nitong usal.

Nakita ko rin doon ang ilan sa mga damit na panigurado ay para sa amin. Kumuha ako ng t-shirt at pantalon saka tumayo.

District 056 : The OutbreakWhere stories live. Discover now