Chapter 14: The Monsters

6 1 0
                                    

Kasalukuyan akong nakatayo sa gitna ng kagubatan. Hindi ko alam kung bakit ako nandito.

Ano bang ginagawa ko dito?

Inilibot ko ang aking paningin sa aking paligid at nagsimulang maglakad patungo sa kung saan. Napahinto ako sa kinatatayuan ko at agad na napaharap sa aking likuran nang marinig ko ang pagdaing ng kung sino. Nanlaki ang aking mga mata nang makita ko si kuya David na padapang nakahilata sa lupa habang naliligo sa sariling dugo.

Halong takot at kaba ang nararamdaman ko nang masilayan ko ang lagay nito. Agad ko sana itong lalapitan ngunit tila hindi ko maigalaw ang aking mga paa. Hindi ako makaalis sa kinatatayuan ko kaya lalo akong natakot para sa kalagayan ni kuya David. Mayroong malaking punit sa kaniyang damit at mula rito ay nakikita ko ang kaniyang sugatang balat mula sa pagkakakalmot. Duguan rin ang kaniyang ulo na tila nabasag ito.

Wala akong ibang nagawa kundi pilit na inihahakbang ang aking mga paa nang agad akong mapahinto. Ilang metro mula sa katawan nitong nakahandusay sa lupa ay nakita ko ang nakatayong halimaw. Ang halimaw na laging nagpapakita sa akin.

Umapaw ang kaba sa aking dibdib nang tumingin ito sa akin at makitang ilabas nito ang isang punyal mula sa kaniyang likuran. Inangat nito ang hawak na patalim sa ere habang hindi inaalis ang pagkatitig sa akin. Lalong nanlaki ang aking mga mata nang mapagtanto kong nakatapat ang punyal sa ulo ni kuya David.

"Magpaalam ka na" sa isang iglap ay agad niya itong inihagis pababa.

"Huwag!"

Hinihingal akong napabangon mula sa pagkakahiga at tarantang nagpalinga-linga sa paligid. Napansin kong wala ang mga kasama ko sa kuwarto kaya agad akong kinabahan.

"Ylana bumangon ka na da—" isang boses ang narinig kong agad na napahinto. Nang lumingon ako sa kaniya ay bumungad sa akin si Matthew na nakatayo sa bungad ng pintuan. Nag-aalala naman itong lumapit sa akin saka naupo sa gilid ng kama. Sa sobrang takot ko ay napayakap nalamang ako sa kaniya.

I felt his arms wrapped around me. "Tell me, what happened?" mahinahon ang boses na tanong nito sa akin.

I stayed quiet. Wala akong lakas ng loob na sabihin sa kaniya na binangungot nanaman ako. Natatakot man ako ay hindi ko magawang sabihin sa kaniya ang napanaginipan ko dahil ayokong dagdagan ang kaniyang mga iniisip. Lalong ayokong mag-alala pa ito sa akin.

Hindi naman na siya nagsalita muli at hinayaan nalamang akong manahimik. Ilang minuto ang lumipas hanggang sa naramdaman kong unti-unti na akong kumalma. Kumalas ako mula sa pagkakayakap sa kaniya. Nakababa lamang ang aking tingin sa aking mga kamay.

"Kakain na daw tayo. Gusto mo bang bumaba o dalhan nalang kita ng pagkain dito?"

Agad akong umiling sa kaniya. "Mauna ka na sa baba. Aayusin ko lang sarili ko tapos susunod din ako" tugon ko ng hindi nag-aangat ng tingin sa kaniya.

Wala naman akong natanggap na tugon mula sa kaniya. Ramdam na radam kong nakatitig lamang siya sa akin. "If you say so" dinig kong sambit nito bago dahan-dahang tumayo. Napa-angat lamang ako ng tingin nang makalabas na siya ng kuwarto. Huminga muna ako ng malalim bago ako tumayo.

Matapos ayusin ang aking sarili ay tumungo na ako sa kusina. Nadatnan ko naman silang Lahat na kumakain na sa hapag. Agad na lumingon si ate Vina sa akin saka niya ako tinawag at iginaya na maupo sa bakanteng upuan na katabi nito. Ipinaghanda niya ako ng plato kaya pinasalamatan ko siya saka ako nagsimulang magsalok ng makakain sa plato ko at nagsimula na ring kumain.

~~~

"Sakto lamang na tig-iisa tayo ng binoculars..." paliwanag ni kuya Azril. Kasalukuyan kaming nasa hapag habang pinag-uusapan ang mga bagay na kailangan naming gawin. Nakikinig naman ako sa kaniya habang pinagmasdan ko ang binoculars na hawak ko.

District 056 : The OutbreakWhere stories live. Discover now