Chapter 6: The Other Survivor

14 5 0
                                    

"Ms. Ylana Estacion!" anunsiyo ng speaker dahilan upang magsipalakpakan kaming lahat.

Tuwang-tuwa naman akong tumayo saka naglakad patungo sa entablado. Masayang namang iniabot ng speaker sa akin ang certificate ko ganu’n din ako. Hindi ko maipaliwanag ang aking nararamdaman, na sa dinami-rami ng mga kalahok ay ako ang nanalo. Kapwa kami nakahawak sa certificate ko at nakaharap sa mga camera na kinukuhanan kami ng litrato.

Ang malawak na ngiti sa aking labi ay unti-unting naglaho nang marinig ang hiyawan nila na unti-unti ay napalitan ng isang nakakakilabot na tinig. Tumingin ako sa mga taong naghihiyawan at agad na kinilabutan nang makitang hindi mga tao ang nasa harapan ko.

Mga halimaw ang nasa harapan ko! Tila nagmula sila hukay at kasalukuyang nakatingin sa akin. Nang balingan ko ng tingin ang speaker na katabi ko ay agad akong napaatras sa takot.

Naagnas na ang katawan nito ngunit nananatili pa ding nakatayo at nakatingin sa akin. Bigla ay hindi ako makaalis sa kinatatayuan ko kahit ano mang pilit kong paghakbang. Lalong umupaw ang takot sa aking dibdib nang makitang papalapit na silang lahat sa akin.

Sinubukan kong sumigaw ngunit walang salita ang lumalabas sa aking bibig.

"Ylana!"

Biglang nagising ang aking diwa at napamulat ng mga mata. Bumungad sa aking harapan ang mukha ni Matthew na nag-aalala. Inalalayan naman niya akong bumangon mula sa pagkakahiga habang ako ay nanginginig sa takot. Nakaupo ito sa gilid ng sofa habang nakatingin sa akin. Ako naman ay nakatungo at pilit na pinapakalma ang mabilis na pagtibok ng aking puso.

"Binangungot nanaman ako" nanginginig kong sambit. Ramdam ko ang pagnginig ng aking mga kamay kaya’t napatingin ako roon.

"Hey, it’s alright" hinawakan nito ang aking kamay at unti-unti ay kumalma na ako.

~~~

Hinahanda na namin ang aming sarili ngayon, pati na rin ang aming mga kagamitan. Matapos itali ang aking buhok ay sinuot ko na ang bag ko. Maingat kaming lumabas ng bahay at tumungo sa kotse.

"May gas pa ba ’to?" tukoy ko sa kotse nang makasakay kami.

"I don’t know. Let’s just hope na aabot pa" tugon ni Matthew at nagsimulang magmaneho.

Hindi ko alam kung saan kami makakahanap ng walkie-talkie. Tiwala naman ako sa plano ni Matthew at kung sakali na mahirapan man kami ay bahala na ang Diyos na gumabay sa amin.

Ilang minuto ang naging biyahe namin hanggang sa makarating kami sa town. Ipinarada ni Matthew ang kotse sa isang tagong lugar malapit sa nagtataasang mga gusali.

"We can do this"

Tumango naman ako bilang pagsang-ayon. Dahan-dahan kaming lumabas mula sa kotse at naging mapagmasid sa aming kapaligiran. Nagsimula kaming maglakad nang agad kaming mapahinto at nagtago sa isang poste na hugis parisukat at kasing lapad lang namin.

Nakita namin ang isang halimaw na paparating sa aming gawi. Lumilikha ito ng tunog na tila isang gutom na mabangis na hayop na naghahanap ng makakain.

Nang maramdaman na naming malapit na ito mula sa pinagtataguan namin ay nagsimula kaming umikot sa poste. Nananatili ang aming paningin sa halimaw na nakatalikod mula sa aming gawi habang naglalakad kami palayo. Nakarating din kami sa isang mall nang matagpuan naming basag-basag na ang glass door nito.

"Crap" I heard him whisper. Nang makapasok kami ay inilibot ko ang aking paningin sa paligid.

Bumungad sa amin ang makalat at sira-sirang gamit sa loob ng mall. Napahigpit naman ako ng pagkakahawak sa sandata ko. Naglakad kami palapit sa escalator na hindi umaandar at umakyat patungo sa ikalawang palapag ng mall.

District 056 : The OutbreakWhere stories live. Discover now