Chapter 8: The New Hideout

11 5 0
                                    

November 23, Wednesday

"Saan na tayo pupunta?" tanong ko habang nakatitig sa kawalan.

"Let’s go ahead sa hideout ko"

Nilingon ko si Shan sa likuran.

"Saan?" tanong naman ni Matthew.

"I’ll tell you the directions"

Nakailang liko ang sasakyan sa kalsada at nagtagal ang biyahe ng halos kalahating oras. Mediyo mapuno ang kapaligiran at tahimik.

"Malapit na...and here. we. are" banggit ni Shan.

Napatingin naman ako sa labas at nakita ang isang abandonadong bahay na gawa sa kahoy. Huminto ang sasakyan at agad kaming lumabas. Kapwa namin pinagmasdan ni Matthew ang bahay. Mahahalata man ang kalumaan nito ngunit masasabi kong matibay pa rin dahil sa ang pader nito ay gawa sa mga naputol na mga kahoy na paniguradong nagmula rin dito.

Lumapit ako sa pinto ng backseat saka ito binuksan, ganu’n din ang ginawa ni Matthew sa kabila. Kinuha nito ang aming mga gamit habang ako naman ay inalalayan si Shan na makababa ng sasakyan. Humihilom pa din ang sugat nito ngunit hanggang ngayon ay mediyo nahihirapan pa din itong maglakad.

"Nahanap ko ’to after kong umalis sa dorm ko and I must say, it is a safe place" kuwento ni Shan habang naglalakad kami palapit sa bahay.

"How did you find this place?" nagtataka kong tanong.

"I don’t know. Basta ang alam ko, tumaktakbo lang ako noon hanggang sa mapadpad ako dito. Mediyo may kalayuan ang dorm ko mula rito" sagot nito.

Nang makalapit na kami sa pintuan ay binuksan niya ito. Bumungad sa amin ang mediyo maalikabok, mediyo magulo, at mediyo madilim na loob ng bahay. Nagpatuloy kami sa pagpasok hanggang sa inalalayan kong makaupo si Shan sa isa sa mga sofa. Inilapag naman ni Matthew ang aming mga gamit sa sahig, malapit sa amin. Matapos ay isinara niya agad ang pinto.

"Wala bang ilaw dito?" tanong ko habang palinga-linga sa paligid.

"Lampara ang gamit ko. Merong isa sa kusina"

Tumungo ako sa kusina para hanapin ang lamparang sinasabi nito. Hindi naman ako nahirapan dahil agad ko itong nakita na nakalapag sa lamesa. Mayroon pang lighter sa tabi nito kaya agad ko ng sinindihan ang loob ng lampara. Matapos ay dinala ko ito sa—sa tingin ko ay sala ng bahay, kung saan naroon sina Shan at Matthew.

Paglapag ko nito sa lamesita ay naupo muli ako sa tabi ni Shan. "May pagkain ka dito?" napahawak ako sa tiyan ko dahil nararamdaman ko na ang gutom ko. Mula pa kasi kanina ay hindi pa kami kumakain.

"I’m not sure. You can go check the counter"

Nauna na pala si Matthew sa kusina at naghahalungkat na ito ng pagkain doon. Nakalimutan kong isa rin pala siya na pagkain agad ang hanap. Nang makarating ako sa kusina na kitang-kita lang mula sa sala ay naabutan ko si Matthew na may hawak na de lata.

Spam?

Nilingon ko naman si Shan na nakatingin sa akin.

"Meron kang spam?"

"Ahh...yes?"

Mediyo hindi ako makapaniwala dahil sa wakas ay nakakita ulit ako ng spam na de lata. Hindi kasi kami gaanong kumakain ng de lata sa bahay at pagdating sa spam? Hindi kami kumakain nu’n! Hindi ko alam pero tuwang-tuwa ako nang makita ko iyon. Agad ko naman itong kinuha mula kay Matthew na ikinagulat niya.

"Buksan na natin, gutom na ako eh"

"We have to cook it first"

"May paglulutuhan ba?"

District 056 : The OutbreakWhere stories live. Discover now