Chapter 5: The Plan

11 5 1
                                    

November 13, Sunday

Kasalukuyan kong hinahanda ang aking sarili. Nakapagbihis na rin ako kanina at ngayon ay inaayos ko ang bag na dadalhin ko. Ang ilan sa mga patalim na dala ni Matthew ay ibinigay niya sa akin na maaari kong gamitin. Itinali ko na rin ang aking buhok para hindi ito maging sagabal.

"Handa ka na ba?"

Humarap ako sa kaniya saka tumango. Kinuha ko ang sandata ko at ganu’n din ang ginawa ni Matthew. Kinakabahan man ako ay inisip ko nalamang ang napag-usapan namin kanina.

"Kailangan observant tayo sa paligid natin. Kung may nakita man tayo na isa sa kanila, as much as possible layuan nalang natin. Kung nakita naman nila tayo, huwag nalang tayong gagawa ng ingay. At kung sakaling susugod sila sa ’tin, itong sandatang hawak natin ang gagamitin natin. Tandaan mo Ylana, hindi natin sigurado kung puso o utak ang bumubuhay sa kanila. Pero ang target na tatamaan natin.... ’yung ulo nila. At kung sakali na kailangan mo o kailangan ko ng tulong dahil nadali tayo, huwag mong kakalimutan ’yung signal natin"

Nakasilip si Matthew sa labas ng bintana. Nang lumingon ito sa akin ay naging hudyat iyon para lumapit ako. Dahan-dahan niyang kinalas ang mga kandado ng pintuan saka ito binuksan. Sumilip muna ito sa labas bago dahan-dahan na lumabas.

Sumusunod lang naman ako sa kaniya habang luminga-linga sa paligid. Isinara ni Matthew ang main door at ang screen door bago kami dahan-dahang naglakad papuntang garahe. Natulala nalang ako sa kalangitan at sa mga kalapit naming bahay. Ang ilan sa mga ito ay sira na at mababakas mong wala ng tao roon.

Dahan-dahan nitong binuksan ang gate saka kami lumabas. Habang naglalakad kami ay hindi ko maiwasang kilabutan dahil sa nasasaksihan ko. Magulo, iyon agad ang naisip ko. Pinakiramdaman ko ang paligid at lumingon-lingon din sa iba’t ibang direksyon. Tila nagmistulang ghost town ang paligid namin dahil sa istura nito.

Napahinto ako sa paglalakad nang harangan ako ni Matthew gamit ang braso nito. Nang lingunin ko siya ay itinapat niya ang kaniyang hintuturo sa kaniyang bibig. Napagtanto ko nalamang ang nais niyang ipahiwatig nang marinig ko ang isang nakakakilabot na tunog.

Agad akong nahila ni Matthew saka kami nagtago sa likod ng isang bahay. Nang sumilip kami mula sa pinanggalingan naming direksyon ay nakita namin ang isang nilalang na nakatayo habang nakatingala.

Ang katawan nito ay tila nagmula sa hukay at ang kuko nito ay kasing haba at tulis ng mga kutsilyo. Ang balat nito ay tila isang wangis ng puno at ang mukha nito ay nakakakilabot dahil sa bitak-bitak ito.

Agad kaming nagtago at sumandal sa pader nang lumingon ito sa direksyon namin. Agad na umapaw ang kaba sa aking dibdib lalo na nang marinig ko ang pagkiskis ng kuko nito sa pader. Lalo akong kinabahan nang mapagtanto kong palapit na ito sa amin.

Huminto ang tunog na iyon kaya lumingon ako sa direksyon na maaaring panggalingan niya.

Napatili ako nang bigla itong bumungad sa amin at akma kaming susugurin nang maging alisto si Matthew. Agad niyang naitarak ang kaniyang sandata sa ulo ng halimaw na nasa aming harapan. Lumikha pa ito ng ungot na tila nahihirapan. Lalong idiniin ni Matthew ang pagkakatarak ng kaniyang patalim sa ulo ng halimaw dahilan upang lalong tumulo ang dugo mula sa ulo at bibig nito. Nang hugutin ni Matthew ang kaniyang patalim ay agad kaming napaatras nang bumagsak ang halimaw sa harapan namin.

Lumingon naman siya sa akin. "Tara na"

Agad naming nilagpasan ang katawan ng halimaw na nakahilata sa lupa. Bumalik kami sa daan na tinatahak namin kanina at muling naglakad. I considered it lucky nang wala kaming halimaw na nakakasalubong. Mediyo may kalayuan ang mini mart mula sa amin kaya nagtagal ang aming paglalakad ng ilang minuto. Malapit na kaming makarating sa mini mart nang bigla kaming makarinig ng sigaw.

District 056 : The OutbreakWhere stories live. Discover now