Chapter 3: The Beginning of Horror

22 5 2
                                    

November 12, Saturday

Kasalukuyan akong nakasakay sa isang bus kasama ang iba pang miyembro ng club namin. Alas otso ng umaga nang magtipon kami sa school at sunduin kami ng bus na ito. Mabuti nalang at sa lugar din namin ang destinasyon na pupuntahan namin. Ayos lang naman iyon sa akin dahil hindi kami lalabas ng siyudad. Hindi pa man din ako mahilig bumiyahe.

Lumipas ang ilang minuto nang huminto ang bus. Nang i-anunsiyo ni president na maghanda na kami ay nagsitayuan na kaming lahat. Bawat isa ay mayroong dalang bag na ang laman ay ang kaniya-kaniya naming gamit at kakailanganin na napag-usapan naming dadalhin. Nang makalabas na ang lahat mula sa bus ay napapatingala nalang kami sa mga matatayog na puno.

"Researchers! Ipapakilala ko sa inyo ang isang researcher na mula pa sa ibang lugar. Siya ang magiging guide natin sa araw na ’to" anunsiyo ni president sa lahat. Mula sa harapan ay nakita kong katabi nito ang isang lalaki na sa tantsa ko ay nasa 30’s na.

"Hello young researchers" bati ng lalaki sa amin. "Ako nga pala si Armon Villarde. Isa ako sa mga researchers dito sa pilipinas. Ang mga inaaral ko at ng team namin ay ang mga bagay na hindi pangkaraniwan na natatagpuan namin sa bawat lugar dito sa bansa natin, pati na rin ang mga bagay na hindi ganoong maipaliwanag ng siyensya" pakilala nito.

"Woah" react ng ilan.

"Nasabi sa akin ni Caiden, ang president niyo, ang tungkol sa ginagawa ng club niyo. I am here para tulungan kayo at samahan kayo sa magiging activity niyo ngayong araw. Ayos ba ’yon?"

"Yes sir!" tugon naming lahat sabay saludo. Ito ang prinactice namin noon pa kapag makikilala at makakaharap na namin ang nasabing researcher. Natawa naman si Mr. Villarde.

"Nakakatuwa kayong lahat. Halika kayo at magsisimula na ang magandang activity niyo"

Nauna na itong maglakad at sumunod naman kaming lahat. Nasa unahan kaming mga officers at ang iba naman ay nasa likuran. Kinausap pa ng researcher ang taong nasa entrance bago kami tuluyang pumasok. Namamangha naman ako dahil sa napakadaming puno.

I love trees.

Sinundan lang naman namin ang researcher. Mula sa ’di kalayuan ay natanaw namin ang isang napakalaking tent. Bumungad sa amin ang sa tingin ko ay mga kasamahan ni Mr. Villarde.

"Hello sa inyo!" magiliw na bati ng isang babae sa amin. Sa tantsa ko ay nasa 30’s na silang lahat maliban lang sa isang lalaki na halatang nasa 50’s na.

"Hello po" bati ng bawat isa.

"Welcome to Doom Forest" iginaya naman nila kami papasok sa tent.

Doom Forest? Weird.

Nang makapasok kami sa napakalaking tent ay namamangha nalamang kaming naglibot ng tingin sa kabuuan nito. Mayroong mga upuan, lamesa, at iba pang gamit doon. Ang bawat isa naman ay agad na humanap ng puwesto para makaupo. Inilapag din namin ang aming mga gamit sa isang malaking mesa.

Sinabihan naman nila kaming magmerienda muna habang nag-uusap ang mga researchers. Kaniya-kaniyang lapit at kuha sa kanilang mga bag ang bawat isa saka kumuha ng dala nilang pagkain. Ako naman ay kumain ng biskuwit na dala ko.

Lumipas ang ilang minuto nang tawagin kaming mga officers ni president. Lumabas kami ng tent at magkakasamang huminto sa tabi nila habang kausap ni Caiden si Mr. Villarde.

"Guys, tayo muna ang pupunta doon. Babalik din tayo dito para isama ang iba pa" baling ni Caiden sa amin.

"Bakit?" nagtatakang
tanong ni Jay, ang PIO ng club.

"Ang sabi kasi ng mga local na taga rito, kailangang iilan lang ang bilang sa isang grupo ang maaaring pumasok at maglakbay dito sa Doom Forest. May paniniwala kasi sila na kapag napakadaming bilang ang nasa isang grupo na maglalakbay dito sa kagubatan na ito ay may mangyayaring hindi maganda. And of course, we have to respect their beliefs. Besides, nasa protocol din ng lugar na ito ang tungkol doon" paliwanag ni Mr. Villarde.

District 056 : The OutbreakWhere stories live. Discover now