CHAPTER 4

578 9 0
                                    

CHAPTER 4

"I-Ikaw...?"

Halos manlaki ang mata ni Marian nang makita ang chairman sa harap niya.

"You look shock? Why? Wala kang idea?"

"A-Anong idea? Sandali, naguguluhan ako, imposibleng ikaw, alam mo kung narito ka para guluhin ang gabi ko, pwede ba, huwag ngayon!"

"Guluhin ang gabi mo? Why would I do that? I have an appointment here—"

"—and so am I! Kaya pwede ba, lubayan mo ako!"

"Oh dear, you must be mistaken here, this table is what I reserved for the woman I am going to meet here"

Natigilan si Marian sa sinabi ng chairman sabay nag-dial ng cell phone niya para tawagan ang taong kikitain niya dahil binigay sa kaniya ng kaniyang connector ang number nito.

Nang magsimulang mag-ring ang tinatawagan niya ay doon naman nag-ring ang cell phone ng chairman na napatitig pa ito sa screen sabay tingin din kay Marian.

"You're the one calling me?"

Tanong ng chairman sabay iniharap ang cell phone screen na nagpatulala kay Marian sabay baba ng cell phone niya mula sa tenga niya.

"I-Ikaw ang...hindi pwede! Hindi maari!"

"So ikaw ang taong kikitain ko ngayon...this is funny! Imagine, I saved you for second time and now I saved you for the third time but you still acting high on me huh?"

"Sabihin mo na ang gusto mo pero babawiin ko ang kasunduan!!!"

Inis na sabi ni Marian sabay tumayo at nilayasan ang chairman.

Napa-cross arms and rolled eyes lang ang chairman sabay dial ng cell phone niya.

"This is disappointing! I paid all her debt! You must do something about it or else!"

Sigaw ni Gail sa kausap sa kabilang linya sabay tumayo at sumakay na sa kaniyang kotse. Habang nasa biyahe ay tumawag naman sa kaniya ang kaniyang sekretarya.

"Chairman, I am sorry for disturbing you at this hour but you must see the news"

"Why? Send me the link"

Agad naman sinend ng secretary ang news na sinabi nito, makikita ang lalaking nakabanggan niya sa meeting nakaraan kung saan niya sinagip si Marian.

"Mainit-init pang balita! Kamakailan lang nang mahuli ang sikat na business man at may-ari mga sikat na produkto sa bansa, nadakip siya sa salang panggagahasa sa dalawang babae at sa tulong ng isang informant na hiniinalang tao sa likod ng isiniwalat niyang lihim, na itong isang chairman ng maraming kumpansiya sa bansa at sa iba pang bansa ay isang lihim na lesbiyana at nagtatago lamang sa kaniyang pangalan at pagiging beauty queen"

Sa napanood ni Gail ay hindi mawala ang biglang pagkainis sa kaniyang mata sabay pinatay ang tablet na hawak.

Napapabuntong hininga na lang siya sabay sandal sa kinauupuan nang biglang tumawag ang kaniyang ina.

"What the hell is this Gail!!! Pumunta ka rito kung ayaw mong ako ang pumunta sa'yo!"

Galit na sambit ng kaniyang ina sabay pagbaba nito ng tawag.

The moment na maibaba ang tawag ay nagsimulang manginig ang kamay ni Gail na pilit niya ngayong nilalabanan hanggang mahanap ang kaniyang gamot sabay ininum ito agad.

Nakaramdam ng ginhawa si Gail sabay isang malalim na buntong hininga.

Manong, sa mansion tayo ni Mama.

Love Hate then getting LaidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon