CHAPTER 8

448 6 0
                                    

CHAPTER 8

Mahigpit ang pagkakahawak ni Gail kay Marian hanggang makarating sa labas sa parking lot.

Hinatak naman ni Marian ang kamay niya mula kay Gail.

"Ano ba!? Nakakasakit ka na!!!"

"Nakakasakit ako? E ikaw? You didn't even think of what you've done!"

"O bakit naman ako? Excuse me lang ah, ako ang nabastos tapos parang ako pa ang may kasalanan?"

"Hindi ba? Kung hindi ka nagmagaling edi sana okay ang lahat!"

"Sandali, ano ba ang ginawa ko ah!?"

Napatitig naman si Gail kay Marian na nalilito ngayon kaya hinarap niya ito at seryosong nagsalita.

"Who told you to fucking interrupt with my business? Wala akong sinabing makialam ka! I was about to tell them that you're my fiancé yet nagmagaling ka! Why? Nahihiya kang malaman nilang lesbiyana ang pakakasalan mo!?"

"What!? Is that how you think it is!?"

"O bakit ano pa ba!?"

Sa tanong ni Gail ay natigilan na lang si Marian sabay sapo ng buhok niya at napasandal sa kotse.

"It isn't about that, siguro tama ka sa part na hindi pa ako kumportable sa kung anong meron ako ngayon, pero that time, when you were treated special by everyone around us, nanliliit ako, natatakot akong mapahiya ka dahil lang sa akin..."

Natigilan naman si Gail sa sinabi ni Marian na ngayon ay namumula ang mata dahil sa luha na namumuo.

Lalapitan pa sana ni Gail si Marian nang umiwas ito sabay pasok sa kotse at pahid ng luha niya.

Maya-maya ay pumasok na rin si Gail katabi siya sabay andar ng sasakyan.

Habang nasa kotse ay napapalingon-lingon si Gail kay Marian na natatahimik.

"Y-You still want to eat—"

"—hindi na! Hindi naman na ako nagugutom—grrrooottt...!"

Natigilan silang dalawa nang biglang tumunog ang tiyan ni Marian sa gutom.

"So you're not hungry huh? Let's find a nearest restaurant!"

Sambit ni Gail sabay utos sa driver.

Halos mamula naman ang mukha ni Marian sa hiya dahil sa biglang pagtunog ng tiyan niya.

"Kahit sa simple na lang, huwag na sa mamahaling kainan"

Hiling naman ni Marian.

"You heard her, find a simple food stall or chain"

Sabi ni Gail na natatahimik naman na nakatanaw sa bintana.

Maya-maya lang ay nakarating sila sa isang fastfood at doon na nag-order.

"Ako na ang o-order hanap ka na lang ng mauupuan natin"

Sabi naman ni Marian sabay pumunta sa counter at nagsimulang um-order.

Ilang minuto lang ay bumalik na si Marian dala ang tray ng pagkain.

"Ito lang ang kaya ng budget ko, okay naman sa iyo ang fries and burger right?"

"You should have asked me so I can pay—"

"—hindi na! My treat! Tara kain na tayo"

Nakangiting sambit ni Marian sabay kagat sa burger niya. Nagsimulang kumain na rin si Gail na makikitang nasarapan sa burger kaya naman sunod-sunod ang kagat nito.

"Mukhang mas gutom ka pa sa akin ah!"

"Well, you have seen the food in there, I don't really like it, mas preferred ko ang Filipino food or simpleng lasa lang"

Love Hate then getting LaidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon