CHAPTER 15Maagang nagising si Marian at agad na lumabas nang kaniyang kwarto nang salubungin siya nang mayordoma.
"Ma'am, tayo na po at mag-almusal"
"Opo manang"
Sagot ni Marian at sumabay na sa pagbaba nang hagdan nang makita niyang wala si Gail sa lamesa.
"Nasaan po si Gail?"
"Maaga po talagang umaalis ang madam para sa trabaho niya"
"Maaga? Hindi po siya nag-aalmusal!?"
Takang tanong ni Marian at napamewang pa.
"H-Hindi po e, matagal na pong hindi kumakain si madam sa umaga at umaalis na lang"
Napapataas nang kilay si Marian sa nalaman niya pero dahil wala na siyang magagawa ay naupo na lang siya at nagsimulang mag-almusal.
Maya-maya nang matapos siyang kumain ay kinausap naman siya nang mayordoma.
"Ma'am ang sabi po pala ng madam, kung gusto niyo raw po sumamang mag-grocery or mamili para kayo na po ang desisyon sa kusina ay maari naman po"
Sa sinabi ng mayordoma ay may ibang naisip si Marian.
"Sa ngayon po hindi muna, may gagawin po kasi ako, tanong ko lang po, ano po ba ang paboritong pagkain ng amo mo?"
Napaisip naman ang matandang mayordoma.
"Bali marami rin naman po"
"Like ano-ano manang? Iyong lunch na favorite niya pati inumin"
Agad na pinaliwanag nang matandang mayordoma ang mga pagkain na gusto ni Gail kaya naman iyon agad ang niluto ni Marian.
"Marunong pala kayo magluto ma'am!"
Bati naman ng batang katulong.
"Sandali, ilang taon ka lang?"
"Po? Fifteen po"
"Ha!? Katulong ka na agad?"
"Opo! Bakit po?"
"Para kasing ang bata mo pa"
"Ma'am ang dami na po namin na ganitong edad e katulong na po"
"Ganon ba...ilang taon ka na nagta-trabaho rito?"
"Ang nanay ko po ang katulong dito pero nang mamatay si nanay ay ako na po ang pumalit sa kaniya, pumayag naman ang madam at siya rin po ang nagpapaaral sa akin"
"P-Pinag-aaral ka ni Gail?"
"Opo, napakabait po ni Madam kahit bibihirang makipag-usap sa amin at magsalita, madalas po kasing busy at tahimik, minsan bigla na lang na naglalasing"
Kwento nang batang katulong.
"Ahmm ganito, maari bang humingi nang favor sa iyo?"
"Anong favor naman po?"
"Una pagtayo lang, ate na lang ang itawag mo sa akin at pwede mo ba akong samahan sa office ni Gail?"
"Ho? Baka po pagalitan ako ni madam!"
"Akong bahala sa'yo!"
Wala naman nang nagawa ng batang katulong kaya naman sinamahan niya si Marian na dumalaw sa Veron Enterprise.
Nang makasakay nang kotse ay agad nagtanong si Manong Greg.
"Ma'am saan po tayo pupunta?"
"Sa Veron Enterprise building"
![](https://img.wattpad.com/cover/346174683-288-k995185.jpg)
BINABASA MO ANG
Love Hate then getting Laid
Romanceito naman, SPG ng malala, Marian Rosal was sold to a lipstick lesbian woman Gail Veron na billionaire who doesnt have anyone in her life, walang anak pero mayaman and willing to pay for a willing woman na magpapakasal sa kaniya, Walang naniniwala...