CHAPTER 20

351 5 3
                                    




CHAPTER 20

Tanaw ni Marian si Gail na pabalik sa sasakyan nila kaya naman bumuntong hininga na lang siya sabay sinubukang ngumiti nang makapasok ito.

"So, kamusta? Kamusta kayo nang kaibigan mo?"

Nakangiting tanong ni Marian sa biglang natitigilan na si Gail na pinilit din na ngumiti sa kaniya.

"We're okay"

Simpleng sagot lang ni Gail.

"Okay...so, uuwi na ba tayo?"

"Do you want us to go home na ba?"

"Hindi naman, bakit may gusto ka pa bang puntahan?"

"Well, we can do malling"

"Pwede naman, para kasing gusto ko sana bilhan nang damit sila mommy at iyong brother ko, I want to visit them"

"Yeah, I heard from manong Greg na hindi ka tumuloy nakaraan na bisitahin sila"

"Hindi nga...narinig ko kasing ang saya nila"

"You still can't tell them about us"

"No, hindi iyon, siguro...masaya kasi ako...na makita silang nakukuha nila ulit ang gusto nila, hmmmmm ang hirap-hirap namin kasi nang mawala ang lahat sa buhay namin...kaya nung makita kong masaya sila, pakiramdam ko pagpumasok ako, mapapalitan nang lungkot..."

Sambit ni Marian na makikita ang pamumuo nang luha nito na agad napansin ni Gail.

"Hey, how about I will go with you visiting them"

Natigilan naman si Marian sa sinabi ni Gail dahil hindi siya makapaniwalang willing ito harapin ang pamilya niya.

"O-Okay lang sa'yo? I mean we both know that this...this marriage isn't really out of love, it's big deal for me that someone will stand with me to face my family"

"Hindi ba nagawa ni Jacob na harapin ang pamilya mo?"

"Hmmmmm puro plano, pero laging napopornada, hanggang sa hindi ko na hinihiling sa kaniya, iyon pala, wala naman talaga siyang plano...wala naman kasi siyang planong pakasalan ako, tama ka sa sinabi mo noon, I was immature and naïve, gustong-gusto kong pinapaniwala ang sarili kong mahalaga ako sa mga tao sa buhay ko...pero hindi pala, lalo iyong mga taong inaasahan ko...kaya ayan, ako yung talo sa bandang huli"

Nahihinto naman si Gail sa sinabi ni Marian na gumuguhit sa mata ang luha.

"I ah...I never been into serious relationship, but I think your feelings are valid, what you expect is acceptable kasi kailangan natin maniwalang mahalaga tayo sa paligid natin, para may panghawakan tayo, I used to do that sa nanay ko kahit alam kong wala naman talaga akong pinanghahawakan"

Si Marian naman ang napatitig ngayon kay Gail.

"See, we end up together coz we both fucking broken inside"

Natatawang sabi ni Marian kaya naman napangiti na rin si Gail.

"That was the worst reality I have ever heard but somehow pleasing to the heart"

Nakangiting sabi ni Gail kaya naman napapatitig muli si Marian habang natitigilan dahil alam niyang naiibsan ni Gail ang lungkot na meron siya kahit alam niya ang katotohanan sa pagitan nito at sa babaeng si Sam.

Alam niyang sa umpisa pa lang ay wala na siyang laban dito pero kailangan niyang tapusin ang sinimulan niya para sa pamilya niya.

Kaya kahit nakakaramdam siya discomfort sa natuklasan niyang katotohanan ay pinilit niyang ngumiti sabay hawak sa kamay ni Gail.

Love Hate then getting LaidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon