CHAPTER 14

208 2 0
                                    


CHAPTER 14

Nakatulog si Marian sa kakaiyak mula nang huling usap nila ni Gail.

Sa malakas na alarm ng cell phone niya ay nagising siya sa eksaktong oras na nag-alarm siya noong hinihintay niya si Gail sa yacht.

Napapahaplos siya nang ulo nang makitang halos magmamadaling araw na sabay kalam ng kaniyang sikmura.

"Hays! Wala nga pala akong kinain!"

Sabi niya na halos mamilipit na sa gutom. Maya-maya ay naisip niya bumangon sabay dampot nang robe para ipangtakip upang lumabas ng kwarto at maghanap ng makakain.

Tinignan niya ang oras at alam niyang sa ganitong oras ay dapat tulog na si Gail.

"Hindi ko pwedeng makabanggaan nanaman ang babaeng 'yon!"

Bulong niya sa sarili kaya naman marahan na naglakad palabas ng kwarto at dumiretso sa hagdan pababa ng kusina.

"Marami silang niluto kaya imposible namang wala sa ref—"

"—ma'am!"

"Ay malandi ka!!!"

Malakas na hiyaw ni Marian sabay takip nang kaniyang bibig nang makita ang matandang mayordoma.

"Ay pordiyos! Hindi nga ako nakapag-asawa ay paano naman ako naging malandi Ma'am?"

"Naku hindi po manang! Sorry! Nagulat lang po talaga ako, akala ko po kasi kung sinong sumulpot sa likuran ko e!"

"Naiintindihan ko po ma'am ngunit bakit ka ba narito pala sa kusina?"

"E' medyo nagugutom po kasi ako manang, may makakaain ka po riyan? Kahit kaning lamig or tira-tirang ulam okay na 'yun!"

"Wala pong tira-tira kasi wala naman pong kumain..."

"Po? Paanong walang kumain? E' sabi niyo maraming pagkain na niluto kanina?"

"E' si madam hindi naman kasi kumain, ayun nagtuloy lang sa kwarto niyo at hindi na rin po lumabas, malamang gutom na rin iyon"

"Ganun po ba, hmmmmp! Hayaan niyo siya! Mamaya po bigyan niyo na lang ng pagkain!"

"Bakit ba kasi parang galit po yata kayo sa isat-isa e kakakasal niyo lang ah?"

Natigilan naman si Marian sa tanong ng matanda habang hinahandaan siya nang makakain.

"Wala lang ho, away mag-asawa lang"

"Pero halatang galit na galit si madam nang lumabas ng kwarto niyo"

"Talaga? Siya pa talaga ang galit ah! Siya na nga ang...hays! Hayaan na nga lang!"

"Alam mo ma'am payong nakatatanda lang naman, sanay mapag-usapan niyo ang problema niyo, hindi maiiwasan ang tampuhan sa mag-asawa pero paano niyo maiintindihan ang isat-isa kung hindi kayo mag-uusap?"

"Pero manang, sana alam niya muna ang rason, imposibleng hindi niya alam ang rason! Alam ko naman na wala akong karapatan na umarte pero...pride ko rin kasi ang natapakan...hays! Ewan ko ho, hindi ko po alam kung paano sasabihin kasi nakakairita na dapat ko pang ipaliwanag!"

"Paano ka maiintindihan kung hindi ka magpapaliwanag?"

Nahinto nanaman si Marian sa sinabi nang matanda sabay subo niya ng pagkain habang iniisip si Gail.

Maya-maya ay nagpaalam na rin ang matandang mayordoma sa kaniya na matutulog na ito kaya naman naiwan na lang si Marian mag-isa.

Nang matapos siya sa pagkain ay mabilis naman din niyang hinugasana ang kaniyang kinainan kahit sinabi nang katulong na iwan na lang ito sa lababo.

Love Hate then getting LaidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon