Part 3"

698 41 4
                                    

DEAN's POV'



Maaga akong nagising dahil sa tilaok ng manok dito sa tabi ng bahay namin. Ako nga pala si Dean Elias A. Wong, 25 taong gulang na.. nakatira nga pala kami dito sa Bicol, Sorsogon... Simple lang ang pamumuhay namin hindi katulad ng iba, simula bata pa lang ay dito na talaga kami nakatira.

"Magandang umaga po! Tito, tita.." rinig kong bati nila Bei kila mama

Lumabas naman na ako ng kwarto ko para puntahan sila sa kusina namin.

"Oh Dean, gising kana pala.. tara na dito ng sabay sabay na kayo nitong mga kaibigan mo" sabi naman sa'kin ni Mama

"Magandang umaga Ma, Pa.." bati ko kila mama. "Hoy! Dito na naman kayo nag uumagahan" sabi ko sa mga kaibigan kong kumag

"Syempre laging masarap ang almusal na hinahanda ni tita eh, HAHA!" natatawang sabi naman ni Tots

Kahit kailan talaga mga ito oh..

"Hayaan mona anak, tara na dito sabayan mona sila.." sabi naman sa'kin ni Papa

Wala naman na akong nagawa kundi ang sumabay sa mga kaibigan ko. Masaya naman ang naging umagahan namin dahil dito sa tatlong kumag kong kaibigan.

"Hayy busog!" sabi ni Angel habang hinihimas ang tyan niya

Napa iling-iling naman ako dito.

"Mabuti kung ganon, dahil may trabaho pa tayo" sabi ko naman sa kanila

Napangiwi naman sila ng dahil sa sinabi ko.

Kailangan pa kasi naming mangisda ngayon dahil bukas ang araw ng tiangge dito samin.

"Papalaot ba tayo ngayon Dean?" tanong naman ni Tots sa'kin

"Oo kailangan eh, lalo na bukas mas maraming mamimili.. sayang naman ang kita kung hindi tayo papalaot ngayon para mangisda di ba.." sabi ko naman sa kanya

Nakita ko namang napa tango tango sila, madali lang din naman kausap ang mga ito.. dahil tulad ko gusto lang din nilang iahon sa kahirapan ang mga pamilya nila, hindi naman kami sobrang hirap nakakakain pa nga kami ng tatlong beses sa isang araw eh, pero syempre wala pa kami sa pinaka tuktok ng mga pangarap namin.

"Sige mas mabuti nga siguro yon, oh ano tara na?" sabi naman ni Bei

Niligpit muna namin ang pinagkainan namin bago tuluyang magpaalam kila Papa para pumalaot.

Hindi nagtagal ay nandito narin kami sa tabing dagat, hindi rin naman kasi ito malayo samin kaya madali lang kung makapunta.

Habang inaayos namin lahat ng gamit ay ni reready naman na ni Angel at Tots ang bangkang gagamitin namin.

"Okay na ung bangka, tara na" sabi naman samin ni Angel

Nilagay na namin lahat ng gamit sa bangka at umalis na.

Habang nasa kalagitnaan kami ng dagat ay sinumulan na naming iayos ang lambat ng maihagis narin ito.

Nang mahagis ni Bei at Tots ang lambat ay naupo lang kami saglit.

"Hay! Sana naman ay marami tayong mahuli ngayon.." sabi naman ni Bei

Nito kasing mga nakaraang araw ay madalang ang huli, halos hindi narin kami nakakapag uwi dahil kulang pa nga ito pag ibebenta.

"Sana nga, para naman may mauwi na ulit tayo" sabi ko naman dito

"Pupunta paba tayo mamaya sa palayan?" tanong naman ni Angel

My Provincial BoyfriendWhere stories live. Discover now