Part 9"

709 40 4
                                    

JEMA's POV'



Linggo ngayon at inaya ako ni Dean na mag simba sa kabilang bayan, halos mag iisang linggo kona rin silang nakakasamang mag kakaibigan at masasabi kong masarap naman silang kasama, na eenjoy kona rin ang buhay na meron ako dito sa probinsya siguro dahil yon sa kanila.

Oh baka dahil lang sa kanya haha, charottt!

"Jema, hija gising kana ba? Nag hihintay na sa'yo si Dean sa labas.." sabi ni Lola sa'kin

Agad kona man ng kinuha ang mga gamit ko at lumabas na ng kwarto.

"La mag sisimba lang po kami ha, balik rin po ako pagkatapos.." pag papaalam ko kay Lola

"Sige apo, mag iingat kayo ha.." sabi naman ni Lola sa'kin

Tumango lang naman ako dito at ngumiti.

Matapos kong mag paalam kay Lola ay lumabas narin kaagad ako ng bahay, nakita ko naman si Dean na naghihintay sa may gate namin.

Ang pogi naman nito..

"Maray na aga, Jema!" nakangiting bati nito sa'kin

Napangiti naman ako dito.

"Good morning, ano tara na?" aya ko naman sa kanya

"Tara, baka di pa natin maabutan misa niyan eh" sabi naman nito sa'kin

Habang naglalakad kami ay tahimik lang kami parehas, para bang nag papakiramdaman.

"Uhm Jema, hindi moba namimiss pamilya mo?" pang babasag nito sa katahimikan

"Hmm.. siguro namimiss pero nakakausap ko naman sila minsan, tsaka sila rin naman nag padala sa'kin dito eh.." sabi ko naman sa kanya, napatango tango naman ito

"Diba sabi nila kaya ka lang dinala dito para magbago at magtino" sabi pa nito

"Oo, un nga.." sagot ko naman sa kanya

"Eh may nagbago naman ba sa'yo?" tanong niya naman

Napa-isip naman ako kung may nagbago nga ba talaga sa'kin.

"Siguro meron.." sagot ko sa kanya

"Bakit hindi ka sigurado?" tanong pa nito

Ang dami namang tanong ng lalaking toh! Parang si Dad lang eh..

"Hindi ko naman kasi napapansin, ang tanging makakapansin lang non eh ung mga taong nakapaligid sa'kin.." sagot ko naman sa kanya, nakita ko namang napa tango tango ito

"Eh ano bang ugali meron ka nung nasa Manila kapa?" tanong niya pa sa'kin

"Palagi kasi akong nasa bar tuwing gabi, palagi rin akong may mga lalaking nakakalandian, halos sa bawat punta namin ng bar ay iba't ibang lalaki rin ang nakakasama ko, kumbaga ba hindi ako nakukuntento lang sa isa ung palaging dapat nag papalit.." kwento ko naman sa kanya

Halata naman sa itsura ni Dean ang pagkagulat sa kinwento ko.

"Bakit mo nagawa yon?" tanong niya pa

Lord onting pasensya pa po.

"Eh kasi ayokong masaktan, kaya ang nasaisip ko at ng kaibigan ko ay kami na lang ang mananakit kesa kami ang masaktan" sabi ko naman sa kanya

Narinig ko namang napahinga ito ng malalim.

"Pero di ba ang sabi nga nila hindi ka tunay na nagmamahal kung hindi mo mararanasang masaktan, lahat ng tao nasasaktan kaya kung talagang willing kang magmahal handa kang masaktan.." seryosong sabi naman nito sa'kin

My Provincial BoyfriendWhere stories live. Discover now