Part 11"

699 39 12
                                    

DEAN's POV'


Pagkatapos naming kumain ay tumambay muna kami sa maliit na kubo nila Aling Myrna.

"Nakausap mona siya?" tanong ni Bei sa'kin

Oo nga pala, hindi kopa pala nasasabi sa kanila kanina, kaya pala habang kumakain kami ay nagtataka sila sa kinikilos namin ni Jema.

"Oo, umamin nako sa kanya.." sabi ko sa kanila

"Anong sabi niya?" tanong ni Angel

Napangiti naman ako ng maalala ko ulit ang sinabi ni Jema sa'kin.

"Sabi niya muya(gusto) niya ko.." nakangiting sabi ko sa kanila

"Yun naman pala eh, gusto karin naman pala.." sabi naman ni Tots

"Oh edi niligawan mona?" tanong pa ni Bei

Ligaw agad?? Hindi ba pwedeng kilalanin pa muna..

"Hindi pa, gusto ko munang mas makilala pa siya syempre siya rin. Gusto ko munang mas makilala pa namin ang isa't isa.." sabi ko naman sa kanila, nakita ko namang napatango tango sila

"Mas maayos nga siguro kung ganon." sabi ni Bei

Tumango tango lang ako sa kanila.

Habang nag kekwentuhan kami ay napansin ko si Jema.

"Dean, parang umiiyak si Jema oh.." sabi sa'kin ni Tots

Nakita niya rin pala si Jema.

"Puntahan ko muna ha.." sabi ko sa kanila

"Sige lang" sabi naman nila sa'kin

Umalis naman na ako at pumunta kay Jema.

Habang papalapit ako ay naririnig kona ang mga hikbi nito.

"Jema.. nata ka naghihibi?(bakit ka umiiyak)" tanong ko sa kanya

Nakita ko namang nag punas na ito ng mga luha niya.

"W-wala namimiss ko lang ung mga kaibigan ko tsaka ung family ko" sabi nito sa'kin

Lumapit naman ako sa kanya at tinapik tapik ito sa balikat.

"Normal lang naman yan, syempre nasanay kang sila ang lagi mong kasama di ba" sabi ko sa kanya. "Bakit hindi mo papuntahin mga kaibigan mo dito?" dagdag kopa

"Gustohin ko man pero kasi may sarili din silang buhay sa Manila, may business kasi kami doon at sila na muna ang nagpapatakbo dahil nandito ako.." sabi naman nito sa'kin

Ahh kaya naman pala..

"Ah ganun ba, edi pag may time na lang sila" sabi ko sa kanya ng nakangiti

Napangiti naman ito at pinisil ang magkabilang pisnge ko.

"Ang cute cute mo talaga.."nanggigigil na sabi nito sa'kin

"Aray! Makulog(masakit)" sabi ko sa kanya sabay hawak sa pisnge ko

"Alam mo ikaw natuto lang ako ng ibang salita ng bicol, kinakausap mona ako ng pang bicol" reklamo nito sa'kin

Natawa naman ako ng dahil sa sinabi niya.

"Dae kana mag hibi ha(wag kana umiyak).." sabi ko sa kanya

Ngumiti naman ito sa'kin.

"Opo, hindi na.." sabi nito sa'kin

Napangiti naman ako dito.

My Provincial BoyfriendWhere stories live. Discover now