Part 13"

815 40 7
                                    

DEAN's POV'

Habang pauwi ako ng bahay namin ay hindi naman maalis ang ngiti sa labi ko, lalo na at pinayagan na ako ni Jema na manligaw sa kanya.

Yes! Sa wakas! Manliligaw na ako ni Jema!!

Pagkarating ko sa bahay ay sakto namang nag hahain na sila Papa ng pananghalian namin.

"Mahal, mukhang masaya ata itong anak natin oh.." sabi ni Mama kay Papa habang hinahain ang pagkain

Napangiti naman ako sa sobrang excited na sabihin sa kanila.

"Bakit masaya ang anak ko?" tanong ni Papa sa'kin habang naka akbay

"Pa, nililigawan kona po si Jema!" masayang sabi ko kay Papa

Nakita ko namang napangiti si Papa ganun rin naman si Mama.

"Aba! Binata na talaga ang anak ko.." sabi ni Mama habang kinukurot ang magkabilang pisnge ko

Napangiti naman ako.

"Masaya ako para sa'yo, anak.." sabi naman ni Papa habang tinatapik tapik ang balikat ko

Niyakap ko naman silang dalawa ni Mama ng mahigpit.

"Salamat po sa supporta niyo sa'kin lagi.." sabi ko sa kanila

"Tama na nga ang dramang ito, mabuti pa kumain na tayo.." sabi naman ni Mama

Umopo naman na kami at nag simula ng kumain.

Habang masaya kaming kumakain ay nagsalita naman si Mama.

"Dean anak, dalhin mo si Jema dito sa susunod ha.. ipagluluto ko siya ng masarap na bicol express at igado" sabi ni Mama sa'kin

Napangiti naman ako dahil sa sinabi ni Mama.

"Sige po Ma, pag napunta po ako sa kanila sasabihan kopo siya.." sabi ko naman kay Mama

Pagkatapos naming kumain ay ako narin mismo ang nagligpit ng pinagkainan namin.

Pagkatapos kong magligpit at manghugas ay nag ready narin ako para umalis na.

"Ma, Pa! Aalis napo ako, pupunta napo ako doon sa bukid.." paalam ko sa kanila

"Sige anak, mag iingat ka ha.." sabi ni Papa sa'kin

Pagkatapos kong mag paalam sa kanila ay umalis narin ako.

Hindi nagtagal ay nakarating narin ako sa bukid, pagkarating ko dito ay natanaw ko naman sila Bei sa maliit na kubong ginawa namin.

"Oh eto na pala si Dean!" rinig kong sabi ni Tots

Kahit kailan talaga ang boses ng lalaking to eh.

"Kamusta?" tanong ni Bei sa'kin

"Ayos lang.." sagot ko sa kanya

Napansin ko namang napangisi si Angel.

"Hindi kaba mag kekwento?" tanong ni Angel sa'kin

Nagtaka naman ako dahil sa tanong niya.

"Nata(bakit)?" tanong ko sa kanya

Pinitik naman ako ni Tots sa noo.

"Aray! Ano ba?!" reklamo ko sa kanya

"Maang-maangan kapa!" sabi nito sa'kin. "Manliligaw kana ni Jema di ba?!" dagdag niya pa

Ay oonga pala! Hindi kopa pala nasasabi sa kanila, HAHA..

Pero paano nila nalaman??

My Provincial BoyfriendWhere stories live. Discover now