Part 15"

1.4K 58 14
                                    

JEMA's POV'

After one week..

Isang linggo na ang nakakalipas ng mamasyal kaming dalawa ni Dean, one week narin akong nililigawan ni Dean.

Napapangiti naman ako kapag naaalala ko ung unang beses na mag date kami ni Dean.

Umaga ngayon at nandito lang ako sa bahay ni Lola, wala rin naman akong magawa sa labas kaya mas mabuti ng dito na lang.

Si Dean naman ay nag tatrabaho pa daw, kaya naman ayoko muna siyang istorbohin.

"Jema, apo may tao sa labas hanap ka.." sabi sa'kin ni Lola pag pasok nito

Sino namang mag hahanap sa'kin??

Baka sila Dean??

"Sino daw po Lola?" tanong ko kay Lola

"Hindi ko alam eh, hindi rin nag papakilala sa'kin, mabuti pa eh labasin mona lang apo.." sabi naman ni Lola sa'kin

Na curious naman ako kung sino ang mga ito.

Wala naman na akong nagawa kundi ang lumabas na lang.

Pagkalabas ko ay nagulat naman ako dahil sa sumigaw.

"Jemaa!!" sigaw ni Ced sa'kin

Patakbo naman akong lumapit sa kanilang tatlo, at ng makalapit ako sa mga ito ay niyakap ko sila ng mahigpit.

"Surprise bes! Sorry kung ngayon lang kami nakapunta ha.." sabi ni Kyla sa'kin, napangiti lang ako sa kanila

"Ano ba kayo, ayos lang naiintindihan ko naman eh.." sagot ko sa kanya

Napangiti naman sila

"Kamusta ka naman dito, Jema?" tanong ni Jho sa'kin

"Ayos lang, masaya naman.." sagot ko sa kanya ng nakangiti

"Alam niyo doon na tayo sa loob mag kwentuhan" sabi ko sa kanila

Agad ko naman silang tinulungan sa mga dala nila, ang dami rin kasi nilang dala akala mo naman mga dito na titira.

"Ah Lola mga kaibigan ko nga po pala.." sabi ko kay Lola ng makapasok kami

Nagpakilala at nag mano naman ang mga ito kay Lola.

"Maraming salamat mga apo" sabi ni Lola. "Dito ba muna kayo pansamantala?" dagdag pa ni Lola

"Opo La, kung ayos lang po sa inyo.." sagot naman ni Jho kay Lola

Napangiti naman si Lola sa kanila

"Aba'y walang problema, mas masaya nga iyon dahil marami tayo dito sa bahay.." sabi naman ni Lola sa kanila

"Salamat po Lola ha.." sabi ko naman kay Lola, napangiti lang naman si Lola sa'kin

"Oh siya maiwan ko muna kayo dito at gagawa na muna ako ng makakain niyo.." sabi naman ni Lola at umalis na

"Bes parang ang blooming mo ha.." sabi ni Ced sa'kin

Eto talaga, lahat na lang pinapansin eh..

"Oo nga, pansin ko rin.." sabi naman ni Kyla

Napa-irap naman ako sa kanila.

"Ang dami niyong napapansin" sabi ko naman sa kanila, narinig ko naman ang mga ito na natawa

"May lalaki na bang nakapag pabago sa'yo?" tanong ni Jho sa'kin

Mag sasalita na sana ako ng may biglang pumasok.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 24, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

My Provincial BoyfriendWhere stories live. Discover now