Part 4"

651 35 1
                                    

DEAN's POV'



Nandito kami ngayon sa palayan namin, katatapos lang din namin mag tanim dito.

"Hay.. nakakapagod" sabi ni Tots ng makaupo ito sa tabi ko

Sino ba naman kasing hindi mapapagod eh halos isang oras narin kaming nag tatanim lang.

"Alam niyo siguro kung nakapag tapos tayo ng pag-aaral may maganda siguro tayong trabaho.." sabi naman ni Bei

Napatingin naman ako sa kanya, nakatingin lang ito sa kawalan na para bang ang daming iniisip.

Hindi kasi kami nakapag tapos ng pag-aaral, hanggang high school lang ang natapos namin.. kaya nahirapan kami maghanap ng trabaho, wala kaming nagawa kundi ang mangisda at mag saka na lang... Kung tutuosin marangal na trabaho rin naman to, itong trabaho din naman ang bumuhay samin mag mula pa ng mga bata kami.

"Dean, ang lalim naman ata ng iniisip mo" sabi ni Angel sa'kin

"Hindi naisip ko lang ung sinabi ni Bei.. pero kasi maayos din naman ung trabaho natin, un nga lang eh para sa iba eh wala tayong mapapala" sabi ko naman sa kanila

Lumapit naman sa'kin si Angel at tinapik tapik ako nito sa braso.

"Hayaan na lang natin sila, wala namang mali sa trabaho natin tsaka isa pa itong trabaho nato ang bumuhay satin, marangal na trabaho rin to kaya wala silang dapat sabihin.." sabi pa nito sa'kin

Napangiti naman ako ng dahil sa sinabi nito, kahit si Bei at Tots ay napangiti rin.

Tama naman si Angel eh...

"Tama! Kaya wag niyo ng isipin yon, ang mahalaga nakakatulong tayo sa mga pamilya natin" sabi naman ni Tots

"Hay.. masarap din namang mamuhay ng normal lang di ba?" sabi ko naman sa kanila habang nakatingin sa kawalan

"Sobraaa.." sabay sabay na sabi nila

Halos sampung minuto rin kaming nagpahinga bago muling bumalik sa trabaho, kailangan pa kasi naming ituloy ang pagtatanim sayang naman.. malapit narin kasi namin anihin ang nauna naming tanim na palay.

"Dean! Ano kaya kung mag tanim pa tayo ng iba dito bukod sa palay.." sabi naman ni Bei sa'kin habang nagtatanim kami

Hmm.. pwede, malawak pa naman ang lupain naming ito eh.

"Pwede rin, kung sakaling may itanim man tayo eh ano naman?" tanong ko naman sa kanya

Napa-isip naman ito ng dahil sa tanong ko.

"Pwedeng gulay o prutas" sabi naman nito

"Sige sige, sasabihan ko sila Papa tungkol dito.. para dagdag kita din sa atin" sabi ko naman sa kanya

Nakita ko namang napangiti ito ng dahil sa sinabi ko.

"Tama ka naman, sige mag tatanim muna ako banda roon sa dulo" sabi naman nito sa'kin at umalis na

Pinagpatuloy ko naman ang pagtatanim ko, para rin maaga kaming makauwing apat at ng makapag pahinga pa ng mahaba-haba.


.


.


.


.


.


.


JEMA's POV'


Tok! Tok! Tok!

My Provincial BoyfriendWhere stories live. Discover now