Part 7"

665 39 3
                                    

JEMA'S POV'



Halos limang araw narin akong nandito sa Bicol, sa limang araw na yon ay nakakaramdam narin ako ng pagkaboring.. wala rin naman akong alam na puntahan dito kaya lagi lang akong nasa bahay ni Lola.

May nakilala rin naman akong apat na lalaki dito, madalas ay dito sila kay Lola lagi bumibili ng miryenda.. napapansin ko ngang laging nakatingin sa'kin ung isang kasama nila eh.

Well sino nga ba naman ang hindi mahuhumaling sa taglay kong ganda, charottt! haha.

Pero ang pogi rin nung lalaking un, Dean ata ang name non.

Che! Ba't koba iniisip yon..

"Jema! Hija gising na jan.." rinig kong tawag sa'kin ni Lola sa labas ng room ko

Bumangon naman na ako at pumunta sa banyo para gawin ang morning routine ko.

"Good morning, Lola!" bati ko kay Lola ng makalabas ako

Nag-hahain naman na ito ng breakfast namin.

"Maray na aga hija, halika na dito at mag almusal kana.." sabi naman ni Lola sa'kin

Lumapit naman na ako dito at nag almusal.

Habang nag aalmusal kami ay may tumawag naman kay Lola sa labas.

Hinayaan kona lang ito at nagpatuloy sa pagkain.. habang kumakain ako ay may sumunod naman kay Lola pumasok sa bahay.

Teka.. ito ung apat na laging bumibili kay Lola ha..

"Mga hijo, eto nga pala si Jema apo ko yan, siya ung galing Manila noon.." pag papakilala naman sa'kin ni Lola

Tipid naman akong ngumiti sa kanila.

May pogi rin naman pala dito sa probinsya eh, haha..

"Maray na aga!" bati pa nila sa'kin

"Jema hija, ito naman si Dean, Tots, Bei, at Angel.. mga maasahan ko dito yan" pakilala naman ni Lola sa mga lalaki

Dean nga talaga pangalan niya, pwede na pogi rin naman..

"Hello, kain kayo.." sabi ko naman sa kanila

"Ah hindi na, katatapos lang din namin kumain.. salamat na lang" sabi naman ni Dean sa'kin

Tumango lang naman ako dito.

"La, ano nga po palang ginagawa nila dito?" tanong ko kay Lola

"Pasasamahan kita sa kanila sa tabing dagat, hindi rin naman kasi kita masasamahan dahil mamimili pako.." sabi naman ni Lola sa'kin

Nanlaki naman ang mata ko dahil sa gulat, napansin ko namang napa ngiwi sila dahil sa reaksyon ko.

Bakit naman kasi mga lalaki eh..

"Jema, wag ka magalala mababait naman itong mga toh.. lalo na yang si Dean mapapagkatiwalaan naman yang mga yan.." dagdag pa ni Lola

Tipid naman akong ngumiti dito at tumango na lang.

"Hintayin niyo na lang ako dito, mag papalit lang ako ng damit.." sabi ko naman kila Dean

Hindi kona hinintay pang may mag salita sa kanila at umalis na lang.

Ba't ba kasi ayaw pang pumunta nila Jho dito eh!

My Provincial BoyfriendWhere stories live. Discover now