Ang hirap makita ka lalo na kapag di maiwasan ang mga mapanghusga.
Ang dami na nating nagawa na mag kasama kaso mas malalim ang nadadama kapag tayo lang talaga at walang iba.
Nagtatago sa madla sobrang hirap na di mahawakan ang mga kamay, mahalikan ang mga labi at makita kang tumatawa dahil sa'kin.
Kelan pa ba ang araw na pwede na?
Hirap na hirap na akong mahalin ka kasi gusto ko ako lang ang babae na kasama mo pero di ko maiwasan mainis sa mga lalaki na titig na titig kahit ikaw ay akin na.
Pinagbabawal man ang pagmamahal nating dalawa ay panigurado ako at ikaw pa din hanggang sa dulo kasi mahirap bumitaw lalo kapag hulog na talaga.
Makakaya kong tahakin bawat daan para sa iyo at sa kinabukasang pwede na ay nagbabakasaling pwede pa.
YOU ARE READING
Unspoken Thoughts
PoetryThis book is open for readers who experienced a lot in relationships and I'm not just talking about romantic ones but also the platonic ones.