Nonchalant

0 0 0
                                    

Gusto mo manindigan pero wala kang karapatan Minamahal mo nga pero pano kung ikaw lang naman? Ikaw lang ang nagpapakita na baka may pag-asa habang siya nagsasanay na inuwian mo talaga at tanong lang ha pero masaya ka pa ba talaga o di ka lang bumibitaw kasi ayaw mo saktan?

Mahirap ang relasyong ikaw lang ang bigay ng bigay kasi pati sa initiative ikaw pa din nag lalagay para lang mapansin niyang ganun pala ang dapat niyang gawin para sumaya kayong dalawa.

Di naman na inform na tutor pala sa relasyon ang inaplayan ko akala ko pa naman future boyfriend na pero in training pa pala kung pwede lang mag bago ang isip kaso napamahal na at ang hirap na bumitaw.

Bumitaw man bakasakali ay masakit din kaso sino ang mas masasaktan sa ating dalawa? Ako ba na nagbibigay oras at halaga o ikaw na di naman gaano nagpapakita na may pagmamahal talaga?

Walang mali kung iyong itutugma ang iyong galawang ganyan sa iyong mga salita kesa naman mas nangigibabaw ang isa tapos di mo alam na nagbibigay mixed signals ka na pala.

Unspoken ThoughtsWhere stories live. Discover now