Hindi ko alam ang nangyari baka ngayon o nung makalawa ko lang napinta na totoo pala na may nararamdaman ako sa'yo.
Ang hirap mag ka gusto lalo pa't alam ko na iba at sobrang sobra ang pagkakaiba nating dalawa kung ako yung madaldal na nag bibigay kulay sa buhay mo ay ikaw naman yung tahimik na sadyang nag bibigay solusyon sa problema ko.
Pero ano ba ang aking magagawa kung ang tinatawag ko sa'yo ay mina kasi minamahal kita ng di mo nahahalata habang tawag mo sa akin ay tol at di ko madali kung ano ang ibig sabihin niyan.
Tol kasi tropa tropa lang o tol dahil imposible na ikaw ay papaTOL sa akin.
Ang hirap pala gustohin ka kasi gusto ko tayo pero gusto mo naman ay yung kayo pero ano nga ba ang magagawa ko kung hanggang kaibigan lang ako sa paningin ng minamahal
Minamahal o sapalitan lang? Kailan kaya ako makakabitaw sa pagkahawak ko sa'yo kasi di ko na kaya sobrang sakit na kaya sana kung pwede na ay bibitaw ako at aakyat tapos haharap ako sa madala at sasabihin sa kanila...
Graduate na ako.
Hindi lang mula sa eskwela pero pati na din sa iyo.
Graduate na ako.
YOU ARE READING
Unspoken Thoughts
PoesíaThis book is open for readers who experienced a lot in relationships and I'm not just talking about romantic ones but also the platonic ones.