Isa kang bituin na siyang gusto kong hanap-hanapin kapag tumitibok ang puso sadyang alam na talagang ikaw ang sinisigaw.
Sinta, nag iiba ang angkin mong presensiya kapag andyan ka ay di ko mapaliwanag ang saya baka iba na talaga ang nararamdaman kahit bago pa man nagkakakilala ay parang ilang taon na kitang nakausap.
Tahimik na lugar kung saan sa ating umiikot ang mundo yung di naman gaano magkakakilala biglaang nagkasundo.
Pinapatibok mo ang puso ko kapag andyan ka pero gamot ko sa pagod na araw ay ang presensiya mo sinta kaya't bahala na basta ikaw yung kasama.
Ang isang halik galing sa iyong labi parang di ko mapaliwanag kung ito ba ay totoo or inuuto nanaman ako pero ang alam ko ay ito'y ginugusto.
Mansanas na pula kasing pula ng mga labi mo sinta parang di naman ako umaasa pero pwede bang isa pa?
Kontento na ako kapag kasama ka kaya kung dumating man ang panahon ay sana ika'y di magbabago ng pagtrato kasi alam mo kung ano man ang meron tayo ay kinasasaya ko.
YOU ARE READING
Unspoken Thoughts
PoetryThis book is open for readers who experienced a lot in relationships and I'm not just talking about romantic ones but also the platonic ones.