Isang halik sa iyong mga labi, mga mata ay nag niningning pero puso ay nabibiyak at luha ay di mapigilang pumapatak.
Masayang ala-ala nagiging mapait na bigla yung minamahal noon parang nag iba bigla ngayon.
Ako sana'y mapagbigyan na mahawakan ulit ang iyong mga kamay, madapian ulit ang iyong mga labi at mayakap ka sa pang habang buhay kaso mahirap.
Mahirap mangyari lahat ng iyon kung ako lang naman ang may gusto at ayaw ko naman ipagkait ka sa totoong mahal mo.
Mahal mo siya at siya ang gusto mong makasama medyo may bitbit nga lang akong sakit at puot kasi ako naman yung andito pero bakit hindi ako?
YOU ARE READING
Unspoken Thoughts
PoetryThis book is open for readers who experienced a lot in relationships and I'm not just talking about romantic ones but also the platonic ones.