29

630 23 4
                                    

D

January 2019

"Dean! Long time no see, dude! Nakita ka din namin!"

Nagulat ako ng may biglang umakbay sa likod ko dito sa tapat ng Ruaño, sila Kim, Trish at Kath pala. Kakatapos lang ng klase ko, maaga kaming pinalabas ng prof, first week pa lang naman.

"Nakakagulat naman kayo." eto na lang ang nasabi ko.

Ngayon ko na lang ulit sila nakita. Magkakasama pa din silang tatlo, samantalang ako eto mag isa, nahiwalay na ako dahil sa mga inulit kong subjects.

"May klase ka pa, Deans? Tara, kain tayo!" tanong ni Kim.

Napatingin ako sa relo ko. After lunch na din pala.

"Wala na, dalawa lang subject ko ngayon." buhay irreg student nga naman.

"Oh! Eh di tara! Sama ka samin, kain tayo kahit saan. Wala na din kaming class." sabi naman ni Trish.

"Ha? Anong wala? Di ba may 3PM pa tayo?" And here's Kath.

"Ang gulo niyo ah, ano ba talaga? Para makauwi na ko haha." sabi ko na lang, ang gulo kasi nilang tatlo.

"Bobo mo, Kath. Di ka nagbabasa ng gc? Wala tayong klase mamaya." Hahaha natawa ako kay Kim. Mag aaway na naman tong dalawang to.

"Oh tama na! Kumain na tayo, wala tayong klase mamaya Kath, promise, sure yun." Awat ni Trish sa dalawa.

Grabe namiss ko tong eksena na to. Ngayon ko na lang ulit sila nakita.

Naglakad na kami palabas ng uste. Habang naglalakad di pa sila magkasundo saan kakain hanggang sa makarating na lang kami dito sa Noval wala pa din silang napili.

"Saan na tayo kakain?" tanong ko.

"Tara, Deans mag Makati tayo." Ay, wow! Ang random ni Kim. Manila to Makati ang gusto.

"Halaaaaaa. Tara! Gusto ko din!" Trish. Alam ko na to, may bibilhin lang to.

"Basta ako, kahit saan okay lang." Syempre si Kath to, kahit saan mo dalhin.

"So, mag cocommute tayo o---" di na ko natapos.

"Deans! Syempre, mag kotse tayo, pag cocomutin mo yung beauty ko hanggang Makati?" Hahaha gusto ko lang naman tignan yung reaction ni Trish eh.

"Biro lang eto naman. Hahaha." Nahampas pa ko sa braso.
.
.
.
.
.

"Deans, ano sayo?"

"Hmmm, grande iced caramel macchiato at pesto sakin, Kim."

Naiwan ako dito sa napili nilang pwesto. Gusto lang pala ng mga to magkape.

This store looks the same. Sa pagkakatanda ko eto yung favorite store ko with Jema.

"Reminiscing, Deans?" Kim.

Bilis umorder nitong tatlo ah. Umupo sa tabi ko si Kim, sa harap namin si Trish at Kath.

"So, Deans, how's life? Nasaan pala si Jema?"

"Ako yung nandito, Trish, bakit iba yung hinahanap mo?

"Nagtatanong lang eh. Di mo kasi kasama."

"Haha, kailan niya ba nakasama sa school yun?" Waaahhh Kath bakit ka ganyan.

"Ano nga, Deans? Sagot agad." akala ko ba kakain kami, bakit parang na hostage ako dito haha.

"Okay lang ako guys, wag kayong mag alala. Nag aaral akong mabuti. Si Jema busy lang din kaya di ko gaano kasama sa school. Alam niyo namang nag memed yung tao eh."

"Wooohhh! 2 years guys mag bbreak na yan." Potek ka, Kim!

"Leche ka, Kim!" nahampas ko tuloy siya.

"Kakayanin mo ba, Deans? Ang tagal non, first year palang si Jema sa med. Gaano katagal nga yun?" Tanong ni Trish.

"Hmmm, 4 years med school, yung 4th year niya sa hospital, then, graduate, tapos 1 year post grad internship, tapos saka palang siya mag boboard exam, tapos mag reresidency pa si Jema, tapos---" isinubo ko na lang kay Kim yung flatbread niya. Ayaw tumigil.

"Hoy, Kim! Daming alam? Pano mo nalaman lahat yan?" gulat na tanong ni Kath.

"Tropa ko si Jema eh hahaha. Kidding aside, nalaman ko lang din yan kasi yung pinsan ko nga doctor. Ayun di kinaya ng jowa niya hahaha, nag break din."

"At bat parang tuwang tuwa kang nag break sila? Tanong ko. Parang amuse na amuse si Kim sa pag kkwento kasi.

"Kuya Bri was a good guy naman,engineering din siya that time, civil like us. Kaso yun nga ang tagal nga kasi ng med. Saka grabe din kasi yung kakaining oras sayo ng pagdodoctor. Puro aral non pinsan ko, lalo na yung last year niya sa med then, internship, parang sa ospital na siya nakatira. Eh ang promising na ng career ni Kuya Bri, may offer na siya sa ibang bansa, gusto niya isama si ate. Eh anong magagawa ng pinsan ko? Alangan iwan niya pag dodoctor niya di ba."

"What happened?" tanong ni Kath

"Eh di ang ending,ayaw man ni ate, nakipag break na lang siya. Paalis na si Kuya Bri eh. Ayun doctor na si ate Nadine and married, doctor din nakatuluyan ni ate."

Potek, parang ayoko na pakinggan yung kwento ni Kim. Parang ang bigat isipin kung samin mangyayari to.

"Eh yung Bri?" Tanong naman no Trish.

"Friend ko si Kuya Bri sa fb eh. So, nakita ko don, engaged na siya. Ang ironic nga, doctor din yung fiance niya hahaha. So, Deans, baka doctor din makatuluyan mo pero hindi si Jema HAHHAHAHHAHA."

"Gago ka talaga kahit kailan!" nahampas ko na lang siya sa braso.

"Nako, Deans. Haha, pag isipan mong mabuti kung itutuloy mo yan."

"Trish naman. Mahal ko si Jema, tapos! Hihintayin ko siya, maghihintay ako, I'll keep my promise, susuportahan ko siya sa mga pangarap niya."

"Arrrggghhhh. To be loved like that. Huhuhu." Kath.

Ang tagal pa ng aantayin ko pero alam kong kaya ko to, kakayanin ko dahil para kay Jema yun. I'm excited and I can't wait to see Jema and be beside her kapag nakuha na niya lahat yun.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 08, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

With A SmileTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon