D
October 6, 2015
University of Santo Tomas
Prelims Week"Tara, Deans. Lib tayo, aral tayo sa Trigo, may di ako maintindihan, paturo naman ako."
"Okay lang ba bukas na tayo mag aral sa Trigo, Kim? Sa Friday pa naman exam natin dun. Promise, tuturuan kita."
"Saan ka ba pupunta? Bakit parang nagmamadali ka? Ayusin mo naman paglalagay ng gamit mo sa bag haha."
"Puntahan ko si Jema. Okay na yan, mamaya ko na aayusin. Sabay kami maglalunch."
"Deans, magtatampo na ba ko? Haha."
"Sira! Ikaw best friend ko, si Jema future girlfriend ko haha. Wag ka na magtampo, Kimmy. Di ba support mo naman ako dito."
"Ang tanong nagsabi ka na ba kay Jema? Baka ma-friendzone ka boi! Ingat ka. Lagi pa namang busy yun. Saka hoy magtanong ka kung may jowa, haha mamaya g na g ka may jowa pala."
Putek! Oo nga pala. Bakit di ko naisip yun? Mamaya pacute ako ng pacute may jowa pala si Jema. Pero kasi sumasama naman siya lagi sakin. Saka wala naman siyang nakukwento. Itatanong ko na lang din mamaya. Gusto ko kasi talaga siya.
"Oo na! Magtatanong ako mamaya. Wish me luck, Kimmy! Pag nakauwi ako ng maaga mamaya memessage kita baka pwede na natin simulan mag aral sa Trigo. Sa unit ko na lang ah, higpit ng guard sa inyo, arte!"
"Good luck! Oo na, sa unit mo na lang. Message mo ko ha? Bumili ka na din ng snack natin haha."
"Oo na. Sige sige. Una na ko, Kim ha. Ingat ka pag uwi. Mag aral ka na din. Bye!"
Nagmadali na kong lumabas ng building. Mamaya iwan ako ni Jema. Sa tapat ng carpark kami magkikita. Buti nga pumayag siyang mag lunch kami ng sabay. Isang buong linggo ko na siyang di nakikita, sobrang busy naman kasi niya.
Bihira lang din siya mag reply sa mga text at chat ko sa kanya. Pero okay lang, kahit di siya nag rereply araw araw akong nagtetext at nagpapaalala sa kanya baka kasi nakakalimutan na non maging tao, baka di na naliligo at kumakain. Haha.
Nasaan na si Jema? Nandito na ko sa tapat ng carpark. Last message niya nakaupo siya dito.
"Deanna Wong!" asan yun? Boses ni Jema yun.
"Deanna Wong!" kailangan talaga may surname ko?
Nasa harap ko na siya ng makita ko siya.
"Uy, Jema. Di kita makita. Sorry, ang labo ng mata ko."
"Mag eyeglasses ka kaya?" napapakamot na lang ako ng ulo ko. Di ko agad nakita si Jema.
"Ayoko. Pangit ko pag naka eyeglasses. Akin na mga libro mo, ako na magdadala."
"Wag na. Kaya ko na. Saan tayo kakain?"
"Sige na, Jema. Para di ka mabigatan, hati na lang tayo."
"Okay, ang bigat nga nito hehe. Gusto ko ng sisig at buttered chicken, Deanna." kinuha ko na yung ibang libro na dala niya. Ang bibigat naman nito.
"May exam ka pa today, Jema?"
"Wala na. Pero need ko din umuwi agad madami pa kong aaralin."
"Hmmm.. Parang alam ko na kung saan mo gusto kumain ah.."
"SEX!!!" sabay pa kami. Hahaha.
Nagkatawanan tuloy kaming dalawa. Sisig Express kasi yun. SEX kasi yung tawag naming mga estudyante don, shortcut kumbaga. Kaya pag may narinig kang 'Tara, sex tayo' na sinabi ng mga taga U-belt, kainan po yun. Wag madumi isip! Haha.
BINABASA MO ANG
With A Smile
FanfictionThis is a prequel to my story 'Stargazer'. First time here? I suggest you read Stargazer, Closing Time and Locked Away before reading this. If you read this first, this story might spoil your sense of surprise or suspense when you read Stargazer. En...