D
"Deans, anong gagamitin ko? 9.80 o 9.81?"
"Anong klaseng tanong yan, Kim?"
"Seryoso ako. Anong gagamitin ko sa acceleration? Dito sa isang example 9.80 ginamit, dito naman 9.81, ano ba talaga?"
"9.81 gamitin mo. Napakaliit lang ng discrepancy nyan."
"Naguguluhan ako, Deans. Nakakalito tong velocity. Bakit iba iba yung value?"
"Iba iba talaga yan, Kim depende sa problem syempre."
"Hay, ang sakit sa ulo ayoko na. Tulog muna ako." humiga na tong si Kim sa lapag.
Nandito kami ngayon sa unit ni Kim nag aaral as usual, malapit na ang prelim exam. Puro quiz na kami this coming week.
"Parang di ako papasa sa physics, Deans. Ang hirap huhu." sabi ni Kim habang nakahiga sa sahig.
"Suko ka na agad? Sabi ko naman sayo intindihin mo lang yung use ng mga formula. Kung ano ano pa kasing inaaral mo."
"Ang dameeeee.."
"Akong bahala sayo, tuturuan kita. Ano? Tara turuan na kita ngayon."
"Pwede bang bukas na lang. Di ko na kaya, ang sakit na ng ulo ko. Nagugutom na ko."
"Ako nga din. Tama na nga to." pinagsasara ko na yung mga notebook ko. Bumangon na din si Kim at inayos yung mga gamit niya.
"Padeliver na lang tayo, Deans. Tinatamad ako lumabas para akong magkakasakit sa calculus at physics na yan."
Natawa na lang ako sa sinabi ni Kim. Ako na ang umorder ng kakainin namin. Mag ssleep over ako ngayon dito, balak naming mag aral the whole weekend.
Umayos na kami ng upo sa couch, kanina kasi sa carpet lang kami nakaupo. Binuksan ni Kim yung tv, at ako naman kumuha ng maiinom namin sa ref.
Umupo ako sa tabi ni Kim na busy sa paghahanap ng papanuorin. Pinatong ko sa table yung sola iced tea na dala ko.
"Bakit yan? May softdrinks dun." reklamo niya pagkakita sa dala ko.
"Arte mo, ikaw kumuha ng sayo dun."
"Oo na. Anong inorder mo pala, Deans?"
Naramdaman ko na din yung pagod, maghapon na kaming nagrereview.
"Hmm, all time favorite ko na pizza, wings at alfredo. Okay na ba yun?"
"Okay na yun. Napagod ako, Deans."
"Ako din. Nakakapagod mag aral maghapon. Nakakagutom din."
"Kamusta na pala kayo, Deans?"
"Nino?"
"Para namang di mo alam yung sinasabi ko."
"Mas maganda yung malinaw, Kim haha. Mamaya iba pala yang tinutukoy mo."
"Kayo ni Jema. Parang di ko na naririnig na binabanggit mo siya."
"Busy siya eh. Di naman kami nagkikita sa school."
"Bakit di mo puntahan?"
"Alam mo namang madami din tayong ginagawa, Kim."
"Magkatapat lang yung building niyo tapos di kayo nagkikita?"
"Eh sa di kami nagkikita. Alangan maghapon ko siyang abangan sa tapat non, may pasok kaya tayo. Saka lagi ko namang minemessage si Jema. Nag rereach out naman ako, sinasabi ko pa nga sched ko sa kanya baka sakaling pwede kami magkita. Pero wala, dedma haha. Baka basted na ko haha."
BINABASA MO ANG
With A Smile
FanfictionThis is a prequel to my story 'Stargazer'. First time here? I suggest you read Stargazer, Closing Time and Locked Away before reading this. If you read this first, this story might spoil your sense of surprise or suspense when you read Stargazer. En...