11

1.2K 77 16
                                    

D

"Hoy, Deans.. Di ka naman nakikinig. Kanina ka pa lutang." siniko ako bigla ni Adi.

Kanina pa kami nanunuod dito sa living room, kung ano ano na ngang napanuod namin pero di ko maalis alis sa isip ko si Jema.

"Huhuhu, Adi.. Anong gagawin kooooo?"

"Kaloka ka, Deans. Kanina ko pa sinabi sayo na sundan mo si Jema, di mo naman sinundan. Ayan huhuhu ka pa."

Kasi nama eh, di ko alam paano magpapaliwanag kay Jema kanina. Galing nga niya magtago ng emosyon niya kanina but for a year na kasama ko siya lagi, alam ko na kung inis ba siya o masaya, I can see it in her eyes.

Nakwento ko naman na kay Adi si Jema matagal na nung bakasyon pa nung nag gala kami sa Taft bago ako umuwi ng Cebu, may pasok pa kasi sila non kaya dun namin naisipang mag food trip kesa dito sa uste.

"But seriously, Deans. Talk to her, baka kung anong isipin non haha. Baka nag selos haha."

"Nakakainis naman yang sinasabi mo, Adi eh. Di ko na nga alam gagawin ko. Di niya sinasagot message ko pati mga tawag ko. Malay ko naman kasi na pupunta siya dito."

"Dapat kasi di mo nilalagay sa guest list jowa mo. Ay di mo pa pala jowa. Di mo pa nga jowa, pang jowa na yang mga ginagawa mo hahaha iba din."

Batukan ko kaya tong si Adi? Enjoy na enjoy sa popcorn niya habang inaasar ako. Ang bilis kong nakapalagayan loob si Adi, she's really cool. Siya yung kasama ko ng buong week bago yung flight ko pauwi ng Cebu at nitong weekend na bumalik na ko dito sa Manila. Papakilala ko siya kay Kim for sure magkakasundo din sila.

"Anong sasabihin ko, Adi? Help me na kasi."

"Okay, ganito. Pag nag reply na siya sayo sabihin mo magkita kayo. Pero pag hindi eh di bukas. Wag mo masyado kulitin baka lalong mabadtrip sayo."

"Tapos? Dali, straight to the point na, Adi."

"Napaka mainipin mo, Deans. Naku, nakakaturn off kaya yan."

"Arrrggghhh! Adi naman eh, ikaw naman to. Hindi ka naman si Jema. Go na."

"Hoy! Babae din ako hahaha."

"Oo na! Go na, anong gagawin ko?"

"Explain mo lang sa kanya ng mabuti. Wag kang mag sorry agad. Parang binigyan mo agad ng justification kung anumang maling iniisip niya."

"Pano ko nga sasabihin, Adi. Yung exact sentence ganon please. First time ko kaya manunuyo ng babae, di ko alam paano."

"Babae ka din di ba? Dapat alam mo hahaha." bwiset na to!

Sa inis ko inagaw ko yung kinakain niyang popcorn yun ata nagbibigay lakas sa kanya sa pang aasar sakin eh.

"Deans naman akin na yang popcorn ko."

"Sabihin mo muna yung gagawin ko sige na. Nang aasar ka pa eh."

"Akin na muna yan, sige na. Di na kita aasarin... Muna hehehe."

"Oh, eto na. Tumatagal tayo eh." tuwang tuwa ang loko pag bigay ko ng popcorn niya.

"Sure ako iniisip non ni Jema babae mo ko ewww. Nakakadiri isipin haaay hahaha."

Di ko na pinansin yung pang aasar niya. Seryoso talaga akong malaman kung anong gagawin ko. Baka masayang pa yung panliligaw ko kay Jema.

"Seryoso ba, Adi? Yun iniisip ni Jema?"

"Malamang, may kasama kang babae dito."

"Gagi, sinasama ko din dito yung best friend ko, si Kim. Di ba nakwento ko na siya sayo."

With A SmileTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon