20

1.5K 88 21
                                    

D

First day of school. Third year.

Pasukan na pero heto ako nandito pa din sa Cebu. Dapat last weekend pa ako nakabalik pero tinatamad pa ako.

"Deanna, kailan ka ba babalik?"

"Next week na lang po dad. Hindi pa naman nagtuturo agad eh."

"Paano mo nasabi? Dapat mas nag aaral ka na ngayon, puro major na yung subjects mo di ba?"

"Yes, dad."

"I'll book your flight, bumalik ka na sa Wednesday."

"Dad, agad? Sa Friday na lang dad."

Hay ang aga aga bakit ba eto ang pinaguusapan namin ni dad. Gusto ko lang naman mag stay pa dito, ang tagal na naman bago ako makauwi ulit.

"Wednesday ka babalik. Tapos." ano pa nga bang magagawa ko?

Tumayo na ko at nagpaalam kay dad na pupunta sa likod. Nawalan na din ako ng ganang mag breakfast.

Si ate Cy ang naabutan ko sa garden. Nakaupo siya at busy sa laptop niya.

"Good morning ate.." bati ko sa kanya pag upo ko sa tapat niya.

Tumingin siya sakin at sinara ang laptop niya.

"Good morning, Deans. Aga aga nakasimangot ka. Hmmm, si dad una mong nakausap no?" tumango lang ako.

"Bakit kasi di ka pa bumabalik ng Manila ha? Pasukan niyo na di ba?"

"Tinatamad pa ko ate.."

"Naku bawal tamarin, 3rd year ka na. Konti na lang oh."

"Nakakalungkot kaya mag isa lang ako dun."

"Naku ikaw talaga. Sige, lagi kitang bibisitahin dun, promise."

"Promise yan ate ah.."

"Oo naman ikaw pa. Kamusta ka naman dun, Deanna? Magkwento ka naman kay ate."

"Okay naman ako dun, namimiss ko kayo lagi."

"Yun lang ha? Wala ka bang nagugustuhan dun o ano ba?"

"Ano bang klaseng tanong yan ate?"

"Ate mo naman ako , I won't judge you. You can tell me everything."

"Focus ako sa studies ko don ate.."

"Focus daw, eh sino to ha?" hinarap niya sakin yung phone niya. Wew, eh si Adi to.

"Ano ka ba ate, kaibigan ko yan si Adi. Saka babae yan no.."

"Hoy wag ka nga dyan, Deanna! Wala kang matatago sakin. Sino nga yun?"

"Fine. Alam ko namang napakagaling mong stalker ate. Pero kaibigan ko lang yun si Adi, close lang talaga kami non."

"Nahopia ako. Kala ko pa naman."

"Pero...."

"Yan! Gusto ko yang pero... Ano yun baby Deans?"

"Kadiri naman yang baby na tawag ate..."

"Magkwento ka na, go!"

"May nagugustuhan ako sa school, matagal na nga eh."

"Yiiieee.. Sino? Anong name? Patingin ng picture niya dali." di naman excited tong si ate.

"Kumalma ka ate.."

"Patingin na ng picture kaseeee.."

Dahil alam kong di ako titigilan ni ate, nilabas ko na ang phone ko at pinakita yung mga pictures namin ni Jema.

Wala akong mabasang reaction kay ate habang iniisa isa niya yung pictures namin hanggang sa ibalik niya yung phone ko.

"Walang reaction ate?"

"Hmmm, she looks too serious."

"She is ate.. Syempre nagdodoctor yun eh."

"Anong name niya?"

"Jema.. Kakagraduate niya lang ng premed nitong June."

"Yung mga ganyan sobrang busy lagi eh. Ikaw pa naman napaka mainipin mo."

"Well, nakakaya ko ng maghintay ngayon."

"Seryoso ka?"

"First year pa ko nung sinimulan kong suyuin si Jema. See, ate.. Di na ko mainipin haha."

"That's so new of you, Deanna. Seryoso ka nga sa kanya. Ako nga iniiwan mo agad pag napapasok sa mga boutique sa mall eh."

"Ang tagal mo kaya magtingin ng mga damit at sapatos tapos di ka naman bibili."

"Ang sama mo sakin. Ipakilala mo ko kay Jema ng makilatis ko naman."

"Grabe ka naman, mabait yun."

"Basta, I wanna meet her."

"Sure ate. Pag napadalaw ka na lang sakin dun."

----------

J

"Pasukan na ah, di ka pa ba babalik dito?" tumawag si Deanna. Buti na lang nakauwi na ko kundi di ko masasagot kung nasa review center pa ko.

Simula nung bakasyon at umuwi siya sa Cebu madalang na kaming magkausap. Hindi na siya masyadong nag chachat at tumatawag. May mga araw pa nga na pag di ako nag message, di siya mag memessage.

Ayoko namang magtanong kasi hindi naman kami, wala naman akong karapatang mag demand sa kanya. Nasanay lang ako na lagi siyang nag uupdate sakin, bigla kasing dumalang.

"Babalik na ako dyan this Wednesday, pinapabalik na ko ni dad."

"Wala ka pa bang balak bumalik?" may problema ba tong si Deanna? Di ako sanay na ganito siya.

"Next week pa sana ako babalik, sasagarin na yung bakasyon."

"Balik ka na, di mo ba ko namimiss?" lambing ko, para kasing wala siyang kagana gana.

"Namimiss syempre. Parang ang bilis lang kasi ng bakasyon gusto ko pa sana mag stay dito pero babalik na ko dyan."

"Bumalik ka na ah, namimiss na kitang kasabay kumain."

"Yes, Jema babalik na ako. Kamusta ka pala dyan?"

"Wala namang bago puro review lang. Syempre namimiss ka."

Hindi naman kasi ako umuwi sa amin after graduation, nag review na agad ako. Si Deanna pagkatapos ng semester umuwi agad, kaya buong summer vacation akong walang kasama. Tapos dumalang pa yung pag uusap namin.

"Kumain ka on time, Jema ah. Sige na, mag aayos na ko ng gamit ko. Ingat ka dyan." hala, ang bilis naman.

"Okay, ingat ka din dyan. See you soon, bye."

"Bye, Jema." she ended the call.

Yun na yun. Wala man lang kaming ibang napagusapan. Haaay, namimiss ko na siya sobra.

I tried calling her, gusto ko ulit siya makausap pero nakailang tawag na ko di niya sinasagot.

I tried one more time at may sumagot nito.

"Hello... Sorry, Deanna left her phone here." sagot nito.

"Hello?" sabi ulit nito. Hindi agad ako nakasagot. Boses ng babae.

"H-hi.. Sorry, tatawag na lang po ulit ako."

"Wait, what's your name? Para masabi ko sa kanya na tumawag ka." ha? Hindi ba naka save yung name ko sa phone ni Deanna?

"I'm Jema po. Sige po." binaba ko na agad.

Tatawagan ko na lang ulit si Deanna mamaya.

With A SmileTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon