J
Internship started. This is it! Nandito kami sa isang room sa ospital, waiting for some intructions. Kasama ko yung ibang mga interns, lima kami from our block na napunta dito sa Manila Doctors. Pero di ko kasi close yung mga kaklase ko na to, sakto lang.
"Hi.." binati ako ng katabi ko.
"Hello.." bati ko din. Its time to be friendly, makakasama ko sila dito.
"I'm Jia, ikaw? Anong name mo?"
"I'm Jema.."
"May mga friends ka dito, Jema? Yung mga kaklase ko nandun sa harap hehe." tinuro niya pa to.
"Meron, yun din oh yung nasa harap din pero di ko kasi sila masyadong close."
"Ohh, I'm from CEU pala, ikaw, Jema?"
"UST hehe.."
"Di ka ba kinakabahan? Ako kasi kagabi pa kinakabahan."
"Medyo. Pero mas excited ako, tagal kong inantay tong internship."
"Same tayo, Jema. Ang dami kong pinaghirapan bago nakarating dito." feeling ko magkakasundo kami ni Jia. Magaan pakiramdam ko sa kanya eh.
"Uy, ako din, dami kong iniyak sa course na to hehe."
Habang nag uusap kami ni Jia may pumasok bigla, ito na siguro yung mag oorient samin.
----------
D
"Hay naku, ayan kasi. Nag momovie marathon ng di nagyayaya. Kung nandun ako, Deans di siguro nag selos yun si Jema."
"Dami mong sinasabi, Kim. Manahimik ka na lang, ingay ingay mo nasa lib tayo."
"Yun nga eh. Nasa lib tayo pero phone mo inaatupag mo. Sagutan na kaya natin tong assignment natin sa calculus?"
"Teka lang, tinetext ko pa si Jema."
"Di niya rin mababasa yan. Isang linggo ka ngang di kinausap. Basted ka na! Haha."
"Bwiset ka!"
"Wag mo na kasi kulitin muna, Deans. Busy yun sa ospital. Di pa kayo mag jowa ganyan ka na kakulit."
"Nag woworry nga ako. Ikaw na nagsabing isang linggo akong di kinausap di ba."
Isang linggo siyang di nagpakita at di nakipagusap sakin. Ang plain lang ng mga sagot niya sa mga chat ko, parang ayaw niya ko kausap. Haaaay. Lalo akong naiinis sa sarili ko eh.
"You know what labas na lang tayo. Manghihiram na lang ako libro. Starbucks tayo mukhang kailangan mo eh." tumayo na si Kim at pumunta sa mga libro.
Right! Nakakatoxic dito sa school, gusto ko lumabas para di ko masyado maalala si Jema. Need ko mag focus, dami agad naming gagawin. Di man lang ako nakapag concentrate kanina sa lecture sa calculus, di ko tuloy alam anong gagawin sa assignment namin.
"Tara, Deans. Starbucks tayo, sagutan natin assignment natin sa calculus, madami dami pa naman yun, may assignment din tayo sa physics." dami namang hiniram na libro nito ni Kim.
Haaay, ngayon na nag sisink in sakin yung dami ng gagawin namin. Simula na talaga ng kalbaryo ko ulit. Good bye bakasyon na talaga.
"Paturo kaya tayo kay Adi? Math yung course niya eh. What do you think, Kim?"
"Hmmm, tara! Nang makagala naman ako. Baka may makita akong cute na mga guys sa Taft hihi."
"Grabe landeeee. Yun talaga dahilan mo eh kala ko ba mag aaral tayo."
"Aral at lande sabay hahaha. Tara na! Chat mo na si Adi!" excited lang si Kim.
Naipakilala ko na sa kanya si Adi, nag unli wings pa nga kami dito. Nag click agad silang dalawa ni Adi. Ayun! Sanib pwersa na sila sa pang aasar sakin.
I messaged Jema again bago ko chinat si Adi. Nag reply naman agad si Adi, free daw siya, magkita na lang daw kami sa lobby ng Torre Lorenzo. Naituro na niya sakin yun, along the way lang naman. Nagbihis muna kami ni Kim bago pumunta, nakakahiya naman nakauniform pa kami. Nag grab na lang kami para di hassle sa parking, nakakatamad din mag drive.
----------
J
Nakailang text at call pala sakin si Deanna. Naka silent naman phone ko. Di ko rin masasagot to kanina, sobrang busy kahit unang araw pa lang namin. Isang linggo na din niya kong kinukulit kaso busy talaga, wala pa kaming maayos na topic sa thesis namin, tapos sumasabay pa yung sched ng seminar.
Hindi ko na nga alam kung anong uunahin ko. Mas malala pa pala to sa mga naunang taon ko waaahhh. Baka baliw na ko pagkagraduate ko. Wag naman sana haha.
Sorry talaga, Deanna Wong. Priority first. Sana naman maintindihan niya. I know naman na sincere siya sa mga sinabi niya sakin about Adi, halata namang friends lang sila. Medyo ini-stalk ko sa facebook si Adi haha. May boyfriend na siya at grabe niya asarin si Deanna. Maybe I overreacted the first time I saw her, sino bang hindi, kung yun ang aabutan mo. Para siyang si Kim kung asarin si Deanna sa facebook. Its a good thing naman that Deanna is exploring, okay nga na may mga friends siya outside school.
Natawa pa ko sa last message niya sakin, parang nagpapaalam na pupunta sila ni Kim kay Adi magpapaturo daw sila sa calculus. Yeah, nakita ko nga sa profile ni Adi, BS Math yung course niya. May PS pa talaga siya sa dulo na 'friends lang po kami.' hahaha nakakatawa talaga to si Deanna. Oo na, medyo nagselos ako, ang pretty kaya ni Adi. Pero tapos na yun, naniniwala naman ako kay Deanna. Wala lang talagang time para makapagkita at usap kami ngayon.
"Jema, nakakapagod no. First day palang ang dami ng ginagawa." breaktime namin. Si Jia ang kasama kong kumain.
"Sobra, Jia. Pero keri pa naman."
"Di na ata ako magkakajowa sa sobrang busy haha. May jowa ka na ba, Jema?" hahaha kaloka to si Jia, jowa talaga.
"Naku. Wala, Jia, study first. Hirap na nga sa acads magjojowa pa ko haha."
"Tinatanong pala nung isang intern yung name mo, yung kasama ko kanina sa lab. Yieee, si Jema may admirer agad."
"Naku, haha. Wala akong time dyan."
"Cute niya, Jema.. Martin yung name. Go, girl! Haha." waaahhh Jia haha.
Yun ata yung nag hi sakin kanina pag pasok ko sa orientation room, nakita ko kasi yun na kasama ni Jia sa lab. Well, cute nga yung Martin, matangkad, maputi at medyo tisoy.
"Tara na, Jia. Tama na ang kain baka hinahanap na tayo."
"Kunwari ka pa, Jema. Gusto mo lang makita si Martin. Pakilala kita tara dali hihihi." hinila hila na ko ni Jia pabalik.
Wew, Jia. Di yan ang purpose natin dito haha..
----------
D
"So, nagets mo na, Deanna?" tanong sakin ni Adi.
Nandito na kami sa unit niya. Kanina pa niya kami tinuturuan pero walang pumapasok sa utak ko.
"Hindi. Haaaay.." napasandal na lang ako dito sa couch.
"Puro kasi si Jema nasa utak." komento ni Kim habang kumakain ng pizza. Nagpadeliver na lang kami ng food dito, pero wala din akong gana kumain.
"Deans naman, mamaya mo na kasi isipin si Jema. Aral muna kasi." sabi naman ni Adi.
"Eh sa naiisip ko siya eh. Huhuhu. Di niya ko pinapansin."
"Busy lang yun ano ka ba. Di ba sabi mo internship niya. Dapat mapagpasensya ka. Pano na lang pag naging kayo tapos nag memed na siya? Mas busy yun, Deans." dagdag pa ni Adi.
"Mainipin kasi yan si Deanna eh." naman Kim.
"Pag nakita ko siya, okay na ko promise."
"Nope. Dapat maging okay ka ngayon kung ayaw mong bumagsak sa calculus. Tara na, ulitin natin. Di kita tatantanan hanggat di mo to naiintindihan." at ayun binuklat ulit ni Adi yung libro sa calculus.
Waahhh.. Di pwedeng ganito, masyado akong distracted dahil kay Jema. Huhuhu, Jema naman kasi eh, paano niya natitiis na i-ignore ako ng ganito? 🙁
BINABASA MO ANG
With A Smile
Fiksi PenggemarThis is a prequel to my story 'Stargazer'. First time here? I suggest you read Stargazer, Closing Time and Locked Away before reading this. If you read this first, this story might spoil your sense of surprise or suspense when you read Stargazer. En...