6

1.2K 68 7
                                    

D

"Deans, ayain mo na si Ysa oh, lunch tayo sa carpark. Simulan na natin yung plan natin haha."

"Ikaw na lang mag aya sa kanya, Kim. Nakita mong may ginagawa ako."

Nandito pa kami sa room kahit umalis na yung prof namin. Mamayang hapon na ulit yung next class namin. 3 hours ang vacant namin kaya sinamantala ko ng gawin tong special project ko sa geometry, kapalit ng na-miss ko na online quiz.

"Tama na yan, sabi ni ma'am 50 problems lang ah? Sobra sobra na yang ginagawa mo."

"Syempre, para maisip ni ma'am na sincere akong pumasa."

"Sus, tama na yan!" kinuha ni Kim yung sinusulatan kong clipboard.

"Kim naman akin na kasi yan. Parang tanga eh."

"Mamaya nga, tutulungan pa kita. Puntahan mo na si Ysa baka mag alisan na yan sila."

"Ikaw na. Tinatamad ako tumayo." ewan ko ba, wala akong kagana gana ngayong araw. Para akong magkakasakit.

"Tamad mo, Deans. Ako na nga lalapit." tumayo na si Kim at lumapit sa grupo nila Ysa.

Hindi ko alam kung ano bang sinasabi nito ni Kim pero tumingin sakin si Ysa at kumaway. Ngumiti at tumango naman ako sa kanya. Wala nga din akong gana kumain, parang gusto ko na umuwi pero may klase pa kami ng 3pm, baka tamarin ako bumalik pag umuwi ako ng condo.

Nagsitayuan na ang grupo ni Ysa. Apat lang naman sila, tatlong babae, isang lalaki, tapos bading pa yung lalaki halata naman, sa galaw pa lang. Sumenyas sakin si Kim na tumayo na.

"Deans, saan mo gusto mag lunch?" tanong sakin ni Ysa habang naglalakad kami papuntang carpark.

Sila Kim nasa unahan namin, nagtatawanan sila at naghaharutan. Nakakatawa tong si Carlo, bading na bading talaga. Kahit sa klase siya yung joker.

"Wala nga akong gana eh. Pero kahit saan naman okay lang sakin, Ysa."

"Ha? May sakit ka ba, Deanna?" hinawakan niya ko sa leeg at noo.

Sakto naman pag tapat namin sa carpark nasalubong namin si Jema, may kasama siyang guy. Naaalala ko to, eto yung nakita kong kasama niya nung paskuhan. Tama nga si Kim, masasalubong nga namin si Jema dito. Nag uusap sila ng guy ng masalubong namin sila. Napahinto siya pagkakita sakin. Si Ysa panay pa din ang check sakin kung may lagnat ba ko.

"Oh.. Hi, Deanna." bati sakin ni Jema.

Napatingin ako sa hawak ng guy, mga libro ni Jema yun ah. May nakalagay kasing initials sa gilid.

"Hello, Jema."

"Deans, let's go. Nauna na sila satin." kumapit pa sa braso ko si Ysa. Napatingin nga si Jema agad sa braso ko eh.

Naku naman. Mukhang wrong move to. Medyo tumaas ang kilay niya pero ngumiti naman ulit pag tingin sakin.

"Sige, Deanna. Una na kami. Bye, ingat ka." pagpapaalam ni Jema.

Umakyat na kami sa taas. Sa Tokyo Tokyo nila napiling kumain. Kahapon dito din kami kumain ni Kim eh, napupurga na ko. Mahilig ako sa Japanese food pero nakakaumay din o baka wala lang talaga akong gana. Sila Kim na ang umorder, naiwan kaming dalawa ni Ysa dito sa table.

"Deanna, okay ka lang? Namumutla ka eh."

"I'm okay, Ysa. Baka napuyat lang ako."

"Sino yung nasalubong natin kanina, Deans?"

"Ah, si Jema yun. Nakilala ko siya last sem."

"Paano? Di naman natin siya kacourse."

"Naku, mahabang kwento. Pero kaibigan namin ni Kim yun, Ysa."

With A SmileTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon