65: "Ang Prinsipeng Tagapagmana" (1/4)

312 18 0
                                    

Tahimik na nakaupo roon si Jun Wu Xie na may isang pares ng malungkot na mga mata, nang hindi inilalagay ang sinuman sa kanyang paningin habang siya ay nakaupo doon na parang walang kinalaman sa kanya ang kaguluhan. Siya ay mahigpit at nag-iisa sa kanyang sariling mundo.

Ang elegante, dalisay at transendente na kagandahan ay mga salitang agad na lumitaw sa kanilang isipan.

Ang mga salitang iyon na sa una ay ibinagay para kay Bai Yun Xian ngayon ay tila mas nababagay sa kanya.

Ang kanyang reserbadong kilos ay naging dahilan upang hindi siya lapitan ngunit naging dahilan ng pananabik ng isang tao na patuloy na tumingin sa kanya.

Bagama't ayaw nilang aminin ito ngunit sa totoo lang, ang tahimik na si Jun Wu Xie kahit pa man sa kilos o alindog ay tumaas nang malaki.

Napakababa niya, masyadong mababa sa katunayan na halos nakalimutan na siya ng mga tao ngunit pagkatapos na makita siya at mapansin ang kanyang banayad na mga pagbabago, hindi nila maiwasang maakit sa kanya.

Palihim na sumilip kay Jun Wu Xie at inilipat ang kanilang mga tingin kay Bai Yun Xian...

Si Bai Yun Xian ay tila hindi kasing elegante gaya ng naisip nila dati.

Mukhang ang totoong kasing lamig ng yelo matikas na diyosang posisyon ay ibibigay kay Jun Wu Xie. Oras na para bumaba si Bai Yun Xian sa pwesto.

“Qian Yuan, lasing ka na. ” Napakunot ang noo ng Emperor, hindi niya maintindihan kung bakit ang karaniwang tahimik na Crown Prince ay biglang magsalita para kay Jun Wu Xie. Malinaw niyang naalala na ito ay pangalawang beses pa lamang silang nagkita at noong nagkita sila, hindi maganda ang impresyon ni Mo Qian Yuan sa kanya.

"Ah, oo, lasing na ako. Ang iyong anak ay nakainom ng napakaraming tasa ng alak, hinayaan kong makakita ng nakakatawa ang mahal kong Ama. Payagan mo muna akong bumalik at nang magpahinga muna . ” Inayos ni Mo Qian Yuan ang sarili habang nagpapakawala ng isang mahinang ngiti.

“Makaalis kana . ” pag-ungal ng Emperador .

Hindi na nagdalawang-isip si Mo Qian Yuan at agad na tumayo, itinaas ang kanyang kamay at kinawayan ang mga katulong na gustong tumulong sa kanya. Pinikit niya ang kanyang mga mata habang sumagitsit: "Kaya ko pa ring maglakad, walang sinuman ang pinapayagang hawakan ako!"

Ang paraan na iniwan ng Crown Prince ay nagdulot ng kawalang-kasiyahan sa marami.

Ang paraan ng pag-iwan ng Prinsipeng Tagapagmana ay nagdulot ng kawalang-kasiyahan sa marami.

Tumingin si Jun Wu Xie sa kanya na papaalis habang nagmumuni-muni sa gitna ng mga tagayan na nagaganap sa paligid, kinausap niya ang kanyang Tiyo sa mahinang tono: "Tito, gusto kong lumabas para makalanghap ng sariwang hangin ."

Saglit na nagulat si Jun Qing, at nag-iisip kung paano ang pamangkin niyang ito ay nakatuon kay Mo Xuan Fei at tinitingnan kung gaano siya nagka-gusto kay Bai Yun Xian ngayon, tiyak na malungkot ang kanyang pakiramdam. Malakas siyang bumuntong-hininga at sinabi: “Maglakad-lakad ka ngunit huwag mong iwan itong Palasyong Wing . Huwag manatili sa labas ng masyadong mahaba. ”

“Sige . ”

“Wu Xie . ”

“Po?”

"Huwag kang masyadong malungkot kay Mo Xuan Fei. Hindi siya ang nararapat para sayo. ”

“………… . . ” Ang mga hakbang ni Jun Wu Xie ay natigil sa kalagitnaan.

Paano siya nakarating sa ganoong pagpapatibay? Aling mata ang ginamit niya at nakita niyang masama ang loob niya sa hamak na iyon na si Mo Xuan Fei?

Ang liwanag ng buwan ay dumaloy sa hardin at maliwanag na pinaliwanagan ang pabilyon kung saan naroon si Mo Qian Yuan habang umiinom siya ng alak mula sa pitsel. Nakaupo siya sa upuang bato habang nakangiti ng mapait mag-isa .

"Kung gusto mong mamatay ng maaga, uminom ka pa!."  Isang malambing na tinig na may lamig ang bumasag sa katahimikan ng kanyang matahimik na gabi.

Labis na nagulat si Mo Qian Yuan. Sa ilalim ng liwanag ng buwan, nakatayo roon ang isang magandang dalaga na nakasuot ng magandang dilaw na sedag brokeid na may hawak na maliit na itim na pusa. Napapaligiran ng mga bulaklak at sa liwanag ng buwan na dahan-dahang sumisikat sa kanyang katawan, ang kanyang maselan na mga tampok na parang totoo larawan, siya ay mukhang isang engkanto na bumaba sa mortal na kaharian.

"Jun Wu Xie?" Ang mga labi ni Mo Qian Yuan ay kurbadang paitaas habang nakatingin sa kanya ng lasing.

"Iniisip ko pa rin kung sino ang may lakas ng loob na sumpain ako, ang Prinsipeng Tagapagmana na mamatay ng maaga?"

Naglakad si Jun Wu Xie patungo sa pabilyon, habang ang baho ng alak ay umaatake sa kanya. Huminto muna siya bago pumasok sa pabilyon.

"Kahit na hindi ko banggitin, mamamatay ka pa rin...at higit pa...hanggang kailan ka pa mananatili bilang Prinsipeng Tagapagmana?" Malamig na sagot niya.

GENIUS DOCTOR  BLACK BELLY MISS (Tagalog Version)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon