Chapter 1(Bad dream )

300 6 1
                                    

"Maawa po kayo sa kin wala po akong perang dala at hindi kami mayaman kaya wala po kayong makukuha sakin....pakawalan nyo na po ako."nagmamakaawa si lein sa mga lalaking dumukot sa kanya mula sa kanyang paglalakad.

"huwag nyo naman po sana akong patayin,marami pa po akong pangarap sa buhay at ni isa wala pa po akong naachieve duN gusto ko pa pong makita ang ULTIMATE CRUSH kong si JUN PYO.Higit sa lahat di ko pa nahahanap ang lalaking magpapatibok ng aking puso".sabi ko sa kanila na medyo nanginginig pa...(wala pa nga akong nagiging boyfriend eh)sabi ko sa sarili ko.

"abat ang lakas naman ng loob mong bata,nangarap ka pa ng mataas eh sa mukha mo pa lang di na magugustuhan ng kung sino mang lalaki tapos hahangarin mo pang makita si JUN PYO.HAHAHA andito naman ako na mas magandang lalaki sa kanya."sagot ng pinakalider ata sa kanila.

kinilabutan ako sa sinabi nya,yuck naman nuh kahit hindi ako maganda sa paningin nila hinding hindi ako papatol sa taong halang ang kaluluwa at ewww pati mukha parang ice cream ROCKY ROAD,eh mas panget nga sya sakin ni hindi

man lang sya nahiya kay JUN PYO.Kung hindi lang talaga ako natatakot sa kanila sinagot ko na sya ng:"san naman banda ang ikinaganda mong lalaki" pero dahil takot ako hindi ko yun sinabi baka mapatay nya ako na wala sa oras at yun

ang ayaw kong mangyari.Biglang narinig ko na nagsalita ang isa nyang kasama na mukhang kenkoy na nakapagpangiti sakin kahit na takot na takot ako.

"Boss magandang lalaki ka naman talaga eh nung hindi pa uso ang tao"sabay tawa ng malakas kasabay ng dalawa pa nilang kasama.

"hoy babaeng galing sa panahon ni kupung kupong,anong nginingiti mo jan?"sigaw sa kin ng lider nila.

Bumalik ang takot ko ng marinig ko ang sigaw nya."Ayoko pang mamatay pls po I really need YOUR help,magpadala po kayo ng taong maliligtas sakin."pray ko habang nakatingin sa taas.

"at kayong tatlo tumigil kayo sa pagtawa kung ayaw nyong tamaan sakin."kala mo kung sinong mga gwapo...inis na sabi ng BOSS nila na ikinatigil ng tatlo.

"opo Boss"sabay sabay pa nilang turan na seryoso na ang mga mukha. 

"kayo ng bahala jan sa babae na yan at mukha ngang walang pera,halata sa mga suot parang hinukay pa galing sa loob ng baul.Gawin nyo gusto nyo gawin sa kanya ng may pakinabang sa inyo at akoy inaantay pa ng aking syota."linisin nyo trabaho ha.

Sa narinig na sinabi nya bigla nalang akong tumayo at nagbabalak ng tumakbo para makaalis sa lugar na yun ng bigla akong makaramdam ng kamay na humila sakin na ikinabigla ko kaya:

"ahy kabayo ka!"sigaw ko sa lalaking humawak sa braso ko..hindi ako makapalag dahil mahigpit ang pagkakahawak nya sakin plus the fact that there's a two guy behind his back.

Naku po Lord ito na ba ang katapusan na aking buhay na matagal ko ding ipinagpapasalamat sa INYO dahil sa araw araw na pagpapala na tinatanggap ko mula sa IYO pero mukhang matatapos na ang lahat dahil sa mga taong ito.naiiyak na ako sa mga naiisip kung negative thoughts. :'(

Kelangan ko ng tulong kahit sinong poncho pilato pa yan,ayos lang basta mailigtas lang ako sa mga mukhang mga kabayo na to.

Pero mukhang wala na talagang darating na NIGHT AND SHINING ARMOR KO gaya ng mga nangyayari sa Fairytales.Ipinikit ko na lng ang mata ko habang inaantay ang nxt move ng mga walang pusong lalaki na to.Bumilang ako 1...2...3 ayan na 

Pakkk..

may pumalo?sino yun?bigla kong iminulat ang mga mata ko at...tama ba ako ng nakikita si JUN PYO  tong lalaking nakatayo sa harapan ko.

Nang biglang pumitik sa hangin ang lalaki kaya natauhan ako.Paano nga naman mapupunta si JUN PYO dito sa PILIPINAS eh malayo ang KOREA para makarating sya dito agad agad.

"hey,stop staring at me like as if i'm one of your favorite celebrity though I'm kinda like one."he said with a smile on his handsome face.

Napanganga naman ako bigla sa mga sinabi nya at dahil narin sa,GOSH may dimple sya sa magkabilaang pisngi...bakit sya meron nun ako wala :(

Natawa naman uli ang lalaki dahil sa naging reaksyon ko,hindi nya siguro inaasahan na bigla akong mapapanganga sa harap nya...as in nganga talaga ganto oh :0

Dahil sa pagtawa nya ako naman ang natauhan."ahm...ahm...pasensya ka na."nakayuko ako ng sinabi ko yun dahil feeling ko sobrang pula na ng mukha ko dahil sa naging reaksyon ko kanina.

"haha ayos lang yun...wag kang magsorry sakin"sagot naman nito na may sinabi pang "kung di mo lng alam na hinampas kita kaya ka nagising"

Anu naman nakakatawa?at ano nga uli Yung huli nyang sinabi,sobrang hina naman kasi na halos pwet lang ata nya nakarinig.Nakakapagtaka naman  tong lalaki.

"Miss ano bang nangyari sayo at sumisigaw ka kanina?"tanong nito.

"ah..ah..sumisigaw ako?"

"yup,nananaginip ka nun nuh.."

Ibig sabihin panaginip lang pala ang lahat,napahinga ako ng malalim."pasensya ka na huh,nanaginip nga siguro ako."

"sabi ko na eh..ang aga mo naman managinip..haha"tumatawa sya ng sinabi yun tas tumalikod na at naglakad paalis.

Grabe naman pinagtawanan pa ako...hmft kala ko mabait mukhang anyabang naman pala...Sayang gwapo pa naman sana.

Salamat na lang sa kanya at nagising ako sa BAD DREAM ko,teka paano nga pala ako nagising?ang naalala ko may humampas sakin eh...

Arg....sya humampas sakin,tama hinampas nya ako kaya ako nagising Arg..nakakainis sya

Kaya pala tawa ng tawa pambihirang lalaki yun,akala ko pa naman di marunong manakit ng babae dahil wala sa hitsura nya.Isipin nyo nga mga readers isang lalaking may maamo ang mukha,maputi,matangos ang ilong,matangkad,singkit ang mata at ahm ahm

kissable lips tas may dimples pa.IN SHORT GORGEOUS sya....

See pati kayo di iisipin na ang isang lalaking tulad nya eh may lakas ng loob na hampasin ang isang nanaginip na magandang babae(ako na assuming).

TSs..kaya pala kanina pa ako pinagtitinginan at pinagtatawanan ng mga studyante dito(parang dati di nila ako  pinagtitinginan at pinagtatawanan).

Sabagay di naman na bago sakin ang ganto...nakalimutan kong ako ang studyanteng old fashion na di tanggap ng karamihan dahil mukha daw akong galing sa ibang planeta kahit hindi naman,exaggerated lang sila masyado kung magreact.

kelan ba magiging maganda ang araw ko dito sa UNIVERSITY?

my unwanted girlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon