Chapter 10(unExpected kiss)

22 1 0
                                    

Kumatok ako sa pinto habang nakatayo naman sa likod ko si Aldrich,kinakabahan ako sa magiging reaction ni mama kapag nakita nya akong may kasamang lalaki. Ngayon lang kasi ako nagdala ng isang lalaki sabahay kaya malamang uusisain ni mama si Aldrich. Haixt... Bakit pa kasi ako pumayag.

Bumukas ang pinto at iniluwa nito si mama na may hawak pa ngang sandok sa kanang kamay nya. Mama bakit ganyan hitsura mo? Nakakahiya grr..

Oh ano namang masama sa hitsura ko anak?

Good evening po mam bigla namang nagsalita si Aldrich na ikinagulat ni Mama.

Abat sino tong poging lalaki anak? Boyfriend mo nba yan?

Halika pasok sa loob, sabi ni Mama na di na ko inantay pang makasagot.

Lein's POV

Hindi ko alam kong matutuwa o maiinis ba ako sa pagpapaunlak ko sa kanya na ihatid ako dito sa bahay dahil sa nakikita ko ngayon. Parang tuwang tuwa ito habang kausap si Mama sa living room, tsk alam kong pag uwi ni Aldrich mamaya uulanin ako ng tanong ni Mama.

Hijo, talaga bang walang namamagitan sayo ng anak ko? Wala ka bang balak ligawan sya kasi ayos lang naman sakin basta wag nyong pababayaan ang pag-aaral at sa nakikita ko naman eh mabait kang bata at pogi pa.

Narinig ko yung tanong ni Mama kaya napalapit tuloy ako bigla sa kanila.

Ma! Ano ba naman yan tanong nyo?. Pshh,hindi po nya ako liligawan.

Lein, it's ok.Naiintindihan ko naman kung bakit sinasabi yan ni tita kasi gaya ng sabi kanina 1st time mong magsama ng lalaki sa bahay nyo. Sabi mi Aldrich sakin saka naman bumalig kay Mama. Tita ahm tama din po si Lein di po ako nanliligaw, but we don't know what happens next. Right tita? Sabay kindat pa kay Mama.

Malawak naman nangiti si Mama. Oo naman Hijo kaya kung sakaling magbago isip mo eh walang kaso sakin huh pogi. Kinikilig pang sabi ni Mama.

Uhurm Ma naman kung magsalita kayo parang iginogoyo nyo na ako sa kanya eh. Wala pong gusto si Aldrich sakin.

Oh eh baka naman ikaw ang may gusto kay pogi huh anak? Parang nang aasar pang tanong sakin

Ma daw, w-wwala po ah!nahiya kong sagot(bakit ba ako nauutal? )

Ok, sige wala kong wala. Bumaling si Ma kay Aldrich. Hijo tatandaan ko lahat ng sinabi mo. Tumataas pang kilay na sabi ni Mama.

Opo tita ^_^

Mabuti naman. Sya sige samahan mo muna kaming maghapunan total andirito ka naman. Aya sa kanya ni Mama.

*****
Hinatid ko na si Aldrich sa labas ng gate namin. Nagpaalam. Nadin kasi ito matapos magpahinga ng kunti kanina after namin maghapunan.

Hindi ko alam kong ano bang pwede kong sabihin sa kanya kasi nahihiya parin ako sa mga napag usapan kanina. Tsk si Mama naman kasi e.

Hey Lein are you with me?

Napatingin ako sa kanya, Ah ano ba yung sinasabi mo?

Nuh ah, kanina pa ako nagsasalita dika pala nakikinig.

Sorry m-may naisip lang ako bigla. Ano ba kasi yung sinasabi mo uli?

I said "You have a nice legs. "

Huh? I have a nice legs? >_<

Yeah, So I gotta go. See you tomorrow Lein. Sabay kiss sa pisnge ko.

Natulala na lang ako sa ginawa nya habang paalis na ito sakay ng sasakyan.

Anak,pasok na. Umalis na si Pogi kaya wag ka ng tumulalA dyan.

Nang marinig ang sigaw ni mama dun na ako natauhan saka naglakad na papasok ng bahay.
*****
Nakahiga na ako habang nakaTingin sa kisame, hind ko parin maintindihan yung sinabi nya kanina.

I have a nice legs daw? Napatingin ako sa legs ko at pinamulahan ng mukha ng marealized kong nakashort nga pala ako kanina pero hindi naman ganong maiksi pero above the knee padin yun.

Kyahhh... Napatili ako ng maalala na hinalikan nga pala nya ako sa pisnge. Tapos nagandahan pa sya sa legs ko. Waaahhh....

Anak..anak anong nangyayari sayo dyan? May magnanakaw ba? Dali Lein anak buksan mo pinto...humahangos na sabi ni Mama nabulabog yata sa tili ko.

Si Mama talaga ang OA ng mga reactions minsan. Pssh...

Ahm Ma wala pong magnanakaw. May ipis lang po, tama may ipis lang Ma. (Naku nagsinungaling tuloy ako)

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 12, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

my unwanted girlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon