In UNIVERSITY
Naipark na ni Aldrich ang kotse nya saka sya bumaba sa sasakyan.
Hindi na ako nanibago sa mga babaeng halos mahimatay na ata sa sobrang kilig ng makita ako,hindi naman sa nagmamalaki ako pero yun ang lagi kong napapansin sa
mga babaeng nakakakita sakin kaya hindi nyo ako masisisi eh sa gwapo ako eh.
May mga araw pa nga na basta na lang sila didikit sakin at magpapapansin na parang kilala ko sila,yung ba naman gusto pang magpakuha ng picture kasama ako na parang isa akong celebrity.Pero dahil sa ganun na lang lagi ang nangyayari eh nasanay narin ako sa mga babaeng KSP.
Naglalakad na ako sa pathway ng mahagip ko ng tingin ang isang babae at lalaking sabay na naglalakad at mukhang masayang nag-uusap."close na agad sila ni Deo?"
What's wrong with this man?As far as I know hindi katulad nya ang type ni Deo pagdating sa isang babae,baka naman tama si Yohan.HAHAHA I can't imagine Deo being intimate with that kind of girl,she's not pretty though she has a great lips
Tss,kelan ko pa napansin na maganda lips nya?
(A/N-hoy kala ko ba may balak kang gawin dun.)
(Speaking buti na lang pinaalala mo sya sakin Author.)
Muntik ko na nga pa lang makalimutan ang balak kong gawin sa babaeng yun but come to think of it hindi naman big deal ang ginawa nyang paghampas sakin kaya hindi ko na lang siguro itutuloy ang balak na panliligaw sa kanya at hindi ko kayang magpanggap na inlove sa isang manang na gaya nya na parang galing pa sa panahon ni Maria Clara.
(A/N-kelan ka naman naging marunong sa panliligaw?pasaway din to eh.)
(Mukha mo Author,walang siraan sa mga readers.)
(A/N-Mukha ko maganda,ako nga AUTHOR dito diba kaya wag mo kung gawing sinungaling,batukan kita jan eh. :p)
(Grabe naman to di na mabiro,try lang naman eh baka makalusot.hehe)
Back to present.
Nakita ko silang tumigil sa Department ng education,ahuh Teacher pala Course nya ah,NO doubt mukha syang Teacher na walang Lovelife.Nakita kong naglakad na paalis si Deo kaya nagtuloy na ako sa Department namin.
Pagkarating sa CEA tumuloy na ako sa Room namin na wala pang gaanong estudyante maging si Yohan wala pa.Umupo ako sa bandang harap kung san ako nakapwesto at sa may right side ko naman ang upuan ni Yohan.
Architecture ang course namin ni Yohan at 3rd yr na kami.Ilang saglit lang nagsidatingan nadin ang mga classmates ko maging si Yohan.
"Bro ang aga mo ata ngayon ah."sabi ko kay Yohan sa nang-aasar na tono.
"grabe to,napaaga ka lang kasi kaya kala mo late na ako pumasok."sagot nya.
Sabagay may point sya dun,usually kasi mas maaga syang dumarating dito sa school keasa sakin.
Calculus ang subject namin ng 7:30 kaya naman buhay na buhay ang dugo ko maging si Yohan habang nagdidiscuss ang Prof namin,kung ang iba naming classmate halos ayawan ang calculus kaming dalawa hindi dahil magaling kami pareho pagdating sa calculation.Sunod sunod na ang subject namin kaya pagdating ng lunch break sabay na kami ni Yohan na naglakad papunta sa cafeteria ng School kung san ang tambayan naming magkakabarkada.Kami ang nauna sa loob kaya tinixt na lang namin sina Doe at Gian para sumunod dito.Magkasabay pang dumating ang dalawa habang may kasunod na isang babae.